^

PSN Showbiz

Dahil sa kadukhaan beteranong aktor na si Burt Reynolds nagbebenta ng mga acting trophy

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen:  Ang anak ni Dyan Castillejo na si Matthew Garcia ang ball boy sa International Premier Tennis League (IPTL) exhibition game sa Mall of Asia Arena noong Biyernes.

Scene: Mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga tennis superstar na sina Maria Sharapova at  Andy Murray sa unang araw ng IPTL exhibition game.

Seen: Sina Dawn Zulueta,  Joey Albert, Jim Paredes, Pops Fernandez, Martin Nievera, Ryan Agoncillo, Nanette Inventor, Ariel Rivera at German Moreno sa I’m Still Here, ang tribute sa direktor na si Fritz Ynfante sa Music Museum noong Biyernes. Ipinagdiwang ni Fritz ang 52nd year niya sa showbiz.

Scene: Inikot ni Joseph Russel Ingco ang mga television news program noong Biyernes para ipagtanggol ang sarili. Walang naniwala sa paliwanag ni Ingco na sinuntok niya ang MMDA traffic enforcer na si  Jurve Adriatico dahil sa walang humpay na  pag-video nito sa kanya.  Naging infamous  si Ingco dahil sa pananakit niya kay Adriatico at sa Maserati luxury car na kanyang minamaneho nang mangyari ang insidente.

Seen: Naghihirap na ang veteran Hollywood actor na si Burt Reynolds kaya ipapa-auction niya ang  mga personal na gamit, kabilang ang kanyang mga acting trophy.

Scene: Worthy of a best actress nomination ang facial expression at  paliwanag  ni Kim Chiu na hindi nito binili ang best actress trophy mula sa Star Awards for Television sa guesting niya sa Aquino & Abunda Tonight.

See :  Ang new hairdo  ni Pops Fernandez para sa kanyang 48th birthday  at The Penthouse…Live  Concert sa PICC Plenary Hall sa December 12.

Scene: Sina Dennis Trillo, Jonalyn Viray at Betong Sumaya ang magpapasaya  sa Filipino community sa Kapusong Pinoy sa Singapore free concert na magaganap ngayong hapon sa Kailang Theater 1 Stadium Walk.

ABUNDA TONIGHT

ANDY MURRAY

ARIEL RIVERA

BETONG SUMAYA

BIYERNES

BURT REYNOLDS

DYAN CASTILLEJO

POPS FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with