Kay Jake pa rin Andi binasted si Bret Jackson

Nanatiling magkaibigan sina Andi Eigenmann at Bret Jackson kahit hindi nagbunga ang panliligaw ng binata sa aktres. “We’re still friends. Hindi lang ‘yung lumalabas sa news, ‘yun lang ang nangyayari sa amin. Siyempre, behind it, alam n’yo ‘yun, nag-uusap pa rin kami,” pahayag ni Andi.

Hindi pa raw nakahandang pumasok sa isang bagong relasyon ang aktres kaya hindi sila nagkatuluyan ni Bret. “At that time, yes, of course marami akong pinagdadaanan sa buhay ko no’n, relationship-wise or not. Ayoko nang nagmamadali. I don’t want to jump into something that I know I’m not ready for,” paliwanag ni Andi.

May kinalaman daw si Jake Ejercito sa tinutukoy ng aktres na pinagdaanan niya. Ang binata ang sinasabing karelasyon daw ni Andi ng ilang taon at naiintindihan naman daw ni Bret ang sitwasyon nila. “Bret and I still being friends, it just goes to show how mature he is. Na parang, ‘Kung hindi, eh di hindi. Bakit ako magagalit?” I mean, hindi naman ako masamang tao just because hindi kami nagkatuluyan or na-put on hold ‘yung nangyari, hindi ibig sabihin masama na akong tao,” pagtatapos ng aktres.

Jane open na open na kay Jerone Ponce

Nakatakdang magtambal sina Jane Oineza at Jerome Ponce sa teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Pinaghahandaan na raw ng aktor ang kauna-unahang soap opera na pagtatambalan nila ni Jane. “Nag-workshop na kami. Okay naman, medyo minamadali kasi conflict ‘yung schedules minsan,” nakangiting bungad ni Jerome.

Masayang-masaya raw ang binata na si Jane ang makakapareha niya sa nasabing proyekto. “Masaya kasi wow, balita ko may mga nag-go see na talaga do’n. Then I’m so much thankful na dahil sa unit namin, binigyan nila ako ng kasunod na show. Iniisip ko that time, ‘Does it mean na may potential ba ako?’ Pero wala, sabi ko lang sa isip ko na sobrang thankful ako na minamahal nila ako at inaalagaan nila ako,” pagbabahagi ni Jerome. Malayung-malayo raw ang role ng aktor sa bagong serye kumpara sa ginawa niya sa katatapos pa lamang na Be Careful With My Heart.

“More mature siya. Kasi I’m a player and more concentrated siya as a college student. Tapos more on concentrated sa problems. It’s like ‘yung problemado, unlike sa Be Careful… na ‘pag problemado si Luke, there’s always this na magpapagaan sa damdamin ni Luke,” paliwanag pa niya.

Maganda ang samahan nina Jerome at Jane kahit na nauugnay ang aktres sa basketbolistang si Jeron Teng. “I don’t know pero wala, they’re so friendly and ewan ko kung ano ‘yung status nila ngayon. As of now okay naman si Jane, sobrang open siya sa akin. She’s parang happy vibes. Tapos  very open siya sa akin na pinagkakatiwalaan niya ako,” giit ni Jerome.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments