Health Care ng Sta. Lucia may pa-bikini contest

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng bikini contest ang Sta. Lucia Healthcare Centre ngayong araw, November 29, sa Function Hall, level 3 ng Sta. Lucia Mall sa McArthur Highway.

Ang Watch Your BP: Bikini Patrol ay paraan ng Sta. Lucia Healthcare para magkaroon ng awareness sa pagme-maintain ng blood pressure sa normal level.

Ang naturang contest ay may 16 kandidata mula sa Metro Manila at kalapit na probinsiya na dumaan sa mahigpit na screening.

Bukod sa bikini contest, meron din silang special guest.

Show comments