^

PSN Showbiz

Mga importanteng dokumento nina Yasmien Kurdi nasunog sa kanilang condo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May nakakatakot na experience si Yasmien Kurdi noong Huwebes. Nag-post  siya sa kanyang Facebook account ng litrato ng condominium building  na tinitirhan nila ng pamilya niya na may  caption na “May sunog.”

Naloka si Yasmien dahil ang mismong storage area pala ng kanilang condo unit ang nasusunog at wala silang kamalay-malay sa nangyari.

Nagpapasalamat si Yasmien sa Diyos dahil walang nasaktan pero nasunog ang lahat ng mga document nila na nakalagay sa storage area katulad ng mga BIR, school records, at mga gamit ng anak niya.

Under investigation pa ang nangyari at nagkaroon si Yasmien ng weird na pakiramdam nang mapanood niya ang CCTV footage ng sunog. Hangga’t maaari, ayaw ni Yasmien na magbintang pero nag-promise siya na magbibigay ng update tungkol sa  naganap na sunog.

Mga anak ng artista sasali sa Festival of Lights

Ngayong hapon ang Grand Festival of Lights Parade sa SM Mall of Asia Grounds.

May special participation sa bonggang Christmas Float Parade si Hello Kitty at ibang mga karakter ng Sanrio.

Imbitado sa nasabing event si Ruffa Gutierrez at ang kanyang mga anak na sina Lorin at Ve­nice, pati na ang anak ng ibang mga artista.

Sabado ngayon at araw ng suweldo. Natanggap na rin ng mga empleyado ang kanilang 13th month pay kaya expected ang pagdagsa ng mga tao sa Grand Festival of Lights Parade sa MOA.

Boyet naiwan sa Amerika, babantayan ang anak na may sakit

Bumalik na kahapon sa Manila si Sandy Andolong at ang kanyang apo na si Primo.

Nanggaling ang maglola sa Amerika dahil dinalaw nina Sandy at Christopher de Leon ang kanilang anak na si Miguel na tatay ni Primo.

Nagpaiwan si Boyet sa Amerika dahil sasamahan niya si Miguel na sasailalim uli sa bagong procedure.

Maligaya si Sandy dahil nabisita nila ni Primo ang mga magulang nito pero nalulungkot siya dahil hindi makakapag-Pasko sa Pilipinas si Miguel at ang misis na si Julie.

Allen best actor sa Hanoi Filmfest

Congratulations kay Allen Dizon dahil sa kanyang best actor award sa 3rd Hanoi International Film Festival.

Si Allen ang nag-win na best actor dahil sa perfor­mance niya sa Magkakabaung   (The Coffin Maker).

Ang best actor trophy niya mula sa HANIFF ang pangalawang international award ni Allen dahil ito rin ang best actor ng Harlem International Film Festival na ginanap sa New York noong September.

Hindi puwedeng sabihin na tsamba lang ang victory ni Allen dahil dalawang beses na siya na nananalo ng acting award sa mga international film festival.

Na-prove ni Allen na talagang  mahusay siya na aktor. Sa wakas, nagbunga na ang sipag at tiyaga niya sa paggawa ng mga indie movie dahil kinikilala sa ibang bansa ang kanyang galing sa pag-arte.

Bukod sa best actor trophy ni Allen, pinarangalan din ang Magkakabaung bilang Best Asian Film sa NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) bracket. Ang Magkakabaung director na si Jason Paul Laxamana ang tumanggap ng award.

Ang Daluyong ang next project ni Allen. Storm Surge ang English title ng pelikula na pagsasamahan nila ni Diana Zubiri.

Pari na nagkaroon ng relasyon sa isang babae ang gagampanan ni Allen sa Daluyong na isinulat ng award-winning scriptwriter na si Ricky Lee. Si Mel Chionglo ang direktor ng Daluyong.             

Nangyayari sa tunay na buhay ang kuwento ng Daluyong. Mas matindi pa nga dahil sa mga balita tungkol sa mga pari na nagkakaroon ng relasyon sa kapwa lalake.

ALLEN

AMERIKA

DAHIL

DALUYONG

GRAND FESTIVAL OF LIGHTS PARADE

MIGUEL

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with