GMA Network, umani ng parangal sa Araw Values Awards
MANILA, Philippines - Humakot ng parangal ang GMA Network sa katatapos lang na Araw Values Awards.
Ang GMA ang nag-uwi ng pinaka-maraming bilang ng awards sa lahat ng TV networks ngayong taon, habang ito rin ang pinaka-malaking pagkapanalo ng Network mula ng sumali ito sa nasabing kompetisyon.
Umabot ng sampu ang bilang ng awards ng GMA kabilang ang isang Platinum for Branded Communications: Commitment to Truth, Honesty & Integrity – ang pinaka-mataas na parangal na maaaring igawad sa patimpalak – para sa Kapuso Mini Sineng Gustin ng Champion Detergent. Nagwagi rin ito ng Gold para sa Advocacy Communications: Commitment to Truth, Honesty & Integrity kaya maituturing ang Gustin na tunay na big winner para sa gabing iyon. Ang Gustin ay hango sa totoong mga kaganapan at binuo ng GMA Marketing and Productions (GMPI).
Nagwagi naman ng Silver para sa Advocacy Communications: Respect for Law & Authority & The Promotion of Self-Discipline ang advocacy campaign ng GMA News and Public Affairs na Think Before You Click na nagsulong ng responsableng paggamit ng social media.
Nag-uwi rin ng pitong Bronze ang GMA mula sa Araw Values Awards. Parehong nanalo ang mga GMA Christmas Short Films na Memory Lane (in partnership with KFC) at Love is Blind (in partnership with Del Monte Philippines) para sa Reverence for Family Unit or Marriage or Responsible Parenthood sa kategorya ng Branded Communications at Advocacy Communications, habang nag-uwi naman ng Bronze ang Munting Sakripisyo (in partnership with KFC) sa Branded Communications: Respect & Care for Human Life, Dignity & The Rights of All category.
Kinilala rin ang New York Festivals award-winning kiddie program ng GMA na Tropang Potchi matapos itong magkamit ng Bronze for Branded Communications: Commitment to Truth, Honesty & Integrity.
Bumuo sa listahan ng mga nagwagi mula sa GMA ang information campaign na FilipiKNOW ng GMA News TV na nanalo ng Bronze for Advocacy Communications: Love of Country & Respect for National Customs & Traditions.
Ang Araw Values Advertising Awards ay kumikilala sa mga tao at organisasyon na nagtataguyod ng mabubuting asal para sa pagbabago.
- Latest