SEEN : Imbitado si Aiza Seguerra sa 1st Quezon City International Pink Film Festival na magaganap sa December 9 hanggang December 16. Hindi makakadalo si Aiza dahil sa December 8 ang petsa ng same sex marriage nila ng kanyang girlfriend na si Liza Diño.
SCENE : Ang pinched nerve dahil sa bulging cervical disc ang dahilan ng pananakit ng balikat ni Senator Jinggoy Estrada, ayon sa doktor ng Cardinal Santos Medical Center na gumagamot sa kanya.
SEEN : Bukas ng gabi, November 28, ang tribute para sa veteran TV director na si Fritz Ynfante sa Music Museum. Pangungunahan nina Martin Nievera at Pops Fernandez ang tribute sa direktor na number one fan ni Barbra Streisand.
SCENE : Nominado sa Best International Film Category ng 2014 Independent Spirit Awards ang Norte, The End of History, ang award-winning movie ni Lav Diaz.
SEEN : Ang claim ni Venus Raj na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend mula nang maghiwalay sila ng TV host na si Andrei Felix. Handa si Venus na maging matandang dalaga kung ito ang nanaisin ng Panginoon.
SCENE : May special participation si Alice Dixson sa Ahas episode ng Shake, Rattle & Roll XV. Parte si Alice ng urban legend noong dekada ’80 na kinain siya ng malaking ahas habang nasa fitting room ng isang department store.
SEEN : Ang pangako ni Francine Prieto na magpapapayat na siya dahil gusto niya na maging active uli sa showbiz.
SCENE : Kulang sa kilig ang birthday message ni Erik Santos sa kanyang ‘girlfriend’ na si Angeline Quinto na nag-celebrate kahapon ng 25th birthday: “Happiest birthday to one of my greatest blessings. I love you to the moon and back and back to the moon.”