^

PSN Showbiz

Luis ayaw pagkakitaan ang relasyon nila ni Angel

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Come 2016 ay mag-i-eighteen years na sa public service ang Star for All Seasons at Batangas go­ver­nor na si Vilma Santos-Recto na final term niya bilang gobernardor.

Aminado si Gov. Vi na nami-miss niyang gumawang muli ng pelikula although sinabi niya na may proyekto siya kasama ang future daughter-in-law na si Angel Locsin under Star Cinema. Originally, kasama sa pelikula ang panganay ni Gov. Vi na si Luis Manzano pero nag-beg off umano ito dahil ayaw niyang i-capitalize at i-commercialize ang relasyon nila ng nakabalikang nobya at ito’y nauuwaan ng actress-politician.

In her five decades in showbiz at fourteen years sa public service wala nang dapat patunayan pa si Gov. Vi na kahit high school lamang ang tinapos ay naging matagumpay bilang isang public servant na kanyang hinarap at niyakap nang buong-buo. Nakatulong din kay Gov. Vi ang kanyang crash course in public administration sa U.P. at ang kanyang number one mentor sa pulitika, ang kanyang mister na si Sen. Ralph Recto.

Samantala, tinanong si Gov. Vi tungkol sa lumulutang na balita na papasukin na rin ng kanyang panganay (Luis) ang pulitika. Nililigawan si Luis na tumakbo sa pagka-mayor ng Lipa o ‘di kaya vice-governor ng Batangas.

“Luis is doing well sa kanyang showbiz career pero kung talagang papasukin niya ang pulitika, may trade-off `yon. Kailangang handa rin siya na ma­sa­sak­ripisyo ang kanyang showbiz career sakaling pumasok siya sa public service. Hindi niya puwe­deng pagsabayin `yon.  Pero kung anuman ang maging de­sisyon ng anak ko, I’m here to support and guide him,” pahayag ni Gov. Vi.

As to her second son na si Ryan Christian, hindi ikinakaila ni Gov. Vi na mukhang nasa public service ang leaning nito although at times ay gusto rin daw nitong mag-showbiz just like his kuya na si Luis na kanyang idol.

Last Monday, November 24 ng tanghali, isang belated birthday lunch and ibinigay ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde kay Gov. Vi na ginanap sa kanyang newly-renovated na Regal Events Place along Valencia St. in Quezon City kung saan din isinabay ang launch ng taunang Ala Eh! Festival na gaganapin sa Taal, Batangas on December 8.

Gov. Vi turned 61 last November 3.

ALA EH

ALL SEASONS

ANGEL LOCSIN

BATANGAS

GOV

KANYANG

LAST MONDAY

LUIS

LUIS MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with