Pero aminadong maraming offer Gov. Vi wala pang plano sa 2016, atat nang magkaapo kina Luis at Angel

MANILA, Philippines –  Wala pang plano sa 2016 elections si Governor Vilma Santos. Ang isang sigurado siya, nami-miss niya ang showbiz at gusto niya itong balikan.

Pero hindi niya idini-deny na napakaraming ‘nanliligaw’ sa kanya na kumandidato sa mas mataas na position (hindi na-specify kung vice president or senador). Pero ayaw naman siyang pakawalan ng kanyang mga kababayan kaya hindi pa rin daw talaga siya makakapagplano kung ano talagang posisyon ang kakandidatuhan niya. “Kailangang pag-aralan ko uli yoon. Dahil lagi ko ngang sinasabi, hindi naman ganu’n kadali magsilbi talaga. If it’s meant, it will happen,” sabi niya kahapon sa birthday treat na bigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde kasabay ng launching ng Ala Eh! Festival ng Taal, Batangas.

Bago naging gobernador, nakatapos siya ng three terms bilang mayor ng Lipa.

Si Luis Manzano ang sinasabing papalit sa kanya sa Lipa, Batangas. Pero ayon kay Gov. Vi, ayaw niyang pangunahan ang anak at ayaw din niya itong i-discourage. Pinababayaan daw niyang ang TV host/actor ang mag-decide.

Anyway, malusog na malusog na uli ang Star for All Season matapos humina ang immune system at magkaroon ng infection ang ilong. “I’m better, I’m better. Maybe because, talagang na-drain na and napagod na rin. At talagang naniningil. Talagang naniningil sa sobrang pagod. Stress!

“But ang nag-trigger siguro, when Ate Aida (Fandialan) left us. So doon bumaba ang immune system ko. Doon naging sickly ako and I thank God, okey na. God is good! Okey naman lahat!” Nasa abroad sila ng kanyang pamilya nang malaman nilang nagkasakit si Tita Aida (kanang kamay at pinagkakatiwalaan niya) at pagbalik nila, wala na ito.

Excited ngayon si Gov. Vi na magbakasyon at mag-shooting ng pelikula ni Angel Locsin na ang target playdate ay sa Mother’s Day.

Ayaw na rin niyang pakialaman kung kailan pakakasal sina Luis at Angel. At nang tanungin si Ate Vi kung sa Batangas ba niya gustong pakasal ang dalawa: “It’s their decision. Hindi ako. Kung saan sa tingin nila na sila’y matuloy na makasal, decision na nila ‘yon. If they want in Batangas, better. Kasi ako, doon ako ikinasal at sa ngayon, kami ni Sen. Ralph (Recto), 28 years na! So baka may suwerte!

Gusto na ba niyang magkaapo sa dalawa?

“Nu’ng araw, medyo aayaw-ayaw pa ako, pero ngayon, gusto ko na!

“Kasi si Lucky is 32. Kung sila ni Angel, nasa tamang edad na rin si Gel. Nu’ng nagdi-dinner kami, lagi kong sinasabi. ‘Anak, sige na!’ Gusto ko nang makakita ng baby!

“So but at the end of the day, nasa kanila. Kung pagpapalain at meron na at sana’y matuloy na, definitely, nai-excite ako!” pag-amin ng gobernadora.

At any rate, sa pagtulong ni Mother Lily sa Ala-Eh! Festival, mas malaki na ang nasabing event sa Batangas.

“Mother Lily will always be a dear friend. Hindi ko na kailangang magsabi pa sa kanya kung ano ang puwede niyang maitulong sa Batangas. Itong investment niya sa Taal (hotel) at tulong sa Ibang Batangueño ay malaking bagay hindi lang sa akin kundi sa Batangas na rin.

“Kaya I am very thankful dahil sa darating na Ala Eh! Festival na gagawin sa Taal, she’s there to give her 101 percent support upang maging lalong masaya ito at dayuhin ng mga tao,” sabi ni Gov Vi.

Sabi naman ni Mother Lily : “Basta kay Ate Vi, all out ako. I am just happy because kahit nasa politics na siya, may oras pa rin siya sa mga kaibigan niya sa showbiz.
“I know she’s on her last term as Governor. I believe na kailangan pa rin siya ng politics. She’s very dedicated, committed and Nanay na Nanay talaga ng Batangas. I think she deserves a much higher position in the go­vernment at unang una na akong tutulong sa kanya!” sabi ni Mother Lily.

Gaganapin sa  Dec. 1-8 ang Ala Eh! Festival. The week long celebration includes an agri/trade fair, Mutya ng Taal, Mutya ng Batangas, a street party and the Voices, Songs & Rhythm grand finals.

Show comments