Ipinost ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram (IG) account ang bridal car na gagamitin ni Marian Rivera sa kasal nila sa December 30, 2014. Isa itong vintage 1976 sedan na kuwento ni Dingdong, ang tita niya ang original owner at dumaan sa tatlong masters bago napunta sa kanya.
Nagpakilig sa DongYan fans ang caption ni Dingdong sa bridal car dahil sabi nito: “I learned how to drive in this 1976 sedan. From its original owner, my tita, down to 3 more masters...I decided to get it back a couple of years ago for sentimental reasons. Now, after going thru an intricate restoration, it is already fully equipped to serve its new purpose: to wheel my bride to church. #bridalcar #journeytoDday.”
Talagang hands on si Dingdong sa pag-aasikaso sa wedding nila ni Marian at kahit busy at nagsu-shooting pa ng Kubot: The Aswang Chronicles 2, ayaw iasa sa wedding planner ang kaya niyang gawin.
Lovi bantay-sarado nang mag-flight attendant
Ngayong Monday ang alis ni Lovi Poe for Japan para sa one week vacation. Kasama nito ang kanyang ina, pero maghihiwalay sila pagdating sa Japan at magkikita na lang yata ‘pag babalik na sila ng Pilipinas.
Bago umalis, dumalo muna si Lovi sa presscon nila nina Erich Gonzales at Carla Abellana para sa Shake, Rattle & Roll XV. Pagmamalaki ni Lovi, sa totoong eroplano sila nag-shooting ng Flight 666 episode sa direction ni Perci Intalan. Flight attendant ang role niya na mahirap daw palang i-portray dahil dapat tama ang kilos at pagsasalita niya. May nakabantay sa kanila at kinu-correct sila.
As of today, hindi pa naaayos ang billing nina Lovi, Erich, at Carla sa SRR XV at habang hindi ito maaayos, wala pa rin silang billing sa poster. Hintayin natin kung magkakaproblema rin sa male lead ng entry ng Regal Entertainment sa Metor Manila Film Festival (MMFF).
Ang lakas pala ng tawa ni Lovi sa tanong kundi ba siya nakikiliti sa bigote at balbas ni Rocco na kinailangang magpatubo noon para sa role niya sa Hiram Na Alaala.