Balak ng pamunuan ng Baguio na i-preserve ang mga lugar na ginagamit na location ng teleserye ng ABS-CBN na Forevermore para maging isang tourist attraction. Sa kasalukuyan ay unti-unti nang dumarami ang mga turista na umaakyat ng Baguio at nagtatanong kung paano sila makakapunta ng La Presa, ang magandang lugar na napapanood nila sa telebisyon.
Nagsisilbing pinaka-popular na puntahan hindi lamang ng mga lokal na bakasyunista kundi maging ng mga dayuhang turista ang La Presa, ang malawak na taniman ng strawberries na inaalagaan ng pamilya ng mag-amang Boy at Agnes (Joey Marquez at Liza Soberano).
Maganda at makatutulong talaga sa turismo ng nabanggit na lugar kung mapapangatawanan ng pamahalaan ng Baguio na gawin itong tourist attraction kahit tapos na ang serye. Sa South Korea, nagagawa nilang i-preserve ang mga lugar na pinagsiyutingan ng mga sikat na Koreanovela at nagagawang tourist attraction ang mga ito.
Miguel at Bianca hindi na maghihiwalay
Marami ang matutuwa na may follow-up assignment na pala ang magka-tandem na Miguel Tanfelix at Bianca Umali after Niño, kung saan nagsimula ang kanilang loveteam. Magkasama pa rin naman sila sa Ismol Family kaya hindi pa rin sila nawawaglit sa isipan ng mga tagasubaybay sa telebisyon. Ang follow up project nila Once Upon a Kiss ay isang romcom na tatalakay sa isang young love. With Bb. Joyce Bernal directing, inaasahan ng mga manonood na isang nakakikilig na love story ang masasaksihan nila.
Julia hindi pa nakakawala sa pagka-nega dahil kina Dennis at Julian
Magiging suporta lang sina Iñigo Pascual at Julia Barretto nina James Reid at Nadine Lustre sa pelikula ng Viva na Para sa Hopeless Romantic. Kung gusto ng mas nakababatang pareha na maabot ang kasikatan ng dalawang mas sikat sa kanilang movie, kinakailangan siguro na makuha nila nang buong-buo ang simpatiya ng manonood, lalo na si Julia na hindi pa nakaka-recover sa hindi magandang publicity na ibinigay sa kanya ng isyu sa kanila ng ama niyang si Dennis Padilla at Julian Estrada.