Anak na nag-call boy, naging customer ang amang bakla sa Magpakailanman

MANILA, Philippines - Sinaunang panahon pa lang, may mga nagbebenta na ng ‘laman’ para mabuhay.     

Ang tawag sa kanila, mga taong kumakapit sa patalim. At sa Pilipinas, marami sa mga kabataan ang pinapasok ang kalakarang ito para kumita ng ma­daliang pera - para may pangkain, may pangtustos sa gastos, at para may pang-tuition. 

Ito ang dahilan ni Ramil Ramos nang tanggapin niya ang alok ng kaibigan na pasukin ang pagiging call boy. Para magkapera at para makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit may isang sikretong matutuklasan si Ramil sa kanyang pagpasok sa buhay na ito.

Bata pa lang si Ramil nang mawala sa buhay niya ang ama, nang iwan nila ito ng kanyang ina nang madiskubre ng huli ang pagkataong itinatago ng napangasawa. Pagkataong makikilala ni Ramil ngayong kaharap na niya ang kanyang ama… sa loob ng isang motel room… bilang customer niya. 

Paano haharapin ni Ramil ang katotohanang natuklasan tungkol sa ama?  ‘Yan at ilan pang mga tanong ang sasagutin ngayong Sabado sa Magpa­ka­ilanman, sa kuwentong pinamagatang: Ama, Ba­kit Mo Ako Pinabayaan? The Ramil Ramos Story.

Itinatampok si Kiko Estrada sa kanyang natata­nging pagganap bilang si Ramil, kasama sina Glydel Mercado, Hiro Peralta, Mel Martinez, Sharmaine Suarez, at sa espesyal na partisipasyon ni Michael de Mesa. 

Mula sa direksyon ni Neal del Rosario at LA Ma­dri­dejos, huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong Sabado (November 22) pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.

Show comments