MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Nobyembre 22), makikisaya si Valerie Concepcion sa mga nakakatawa at nakakaaliw na sketch na inihanda ng Tropang Potchi.
Abangan ang mga kwento nina Lenlen (Lenlen Frial) kasama ang kanyang mga kalaro na sina Tuks (Miggs Cuaderno) at Potchi. Kasama rin sa sketch sina Sab (Sabrina Man), Miggy (Miggy Jimenez), at Nomer (Nomer Limatog) na gaganap bilang mga malalaking ipis at daga.
Mapapanood na rin ngayong Sabado ang ikalawang bahagi ng adventure nina Sab at Kyle (Kyle Ocampo) sa Danjugan Island sa Negros Occidental. Bukod sa diving lessons na kanilang natutunan, nakisali rin sila sa isang kakaibang nature race.
Mapapanood ang Tropang Potchi tuwing Sabado ng umaga bago mag-Sarap Diva sa GMA.