Lovi at Rocco sa Japan mag-a-anniversary
A couple of years ago ay nakasama namin si Lovi Poe sa Tokyo, Japan para sa promo ng GMA Pinoy TV in cooperation with IPS, Inc. (Tokyo) na siyang broadcast partner sa Japan ng GMA. Two nights and one day lamang ang inilagi namin ni Lovi kaya hindi siya nakapamasyal.
Sinabi ng 25-year-old singer-actress na babalik siya ng Tokyo kasama ang inang si Rowena Moran para makapamasyal. Hindi makakasama ang nobyo niyang si Rocco Nacino dahil busy ito sa taping ng Hiram na Alaala pero balak nilang sa Japan i-celebrate ang kanilang first anniversary in April next year. Itataon nila sa Cherry Blossoms season at magandang klima (Spring) ang pagpunta roon.
Rochelle wala pa sa hinagap ang kasal
Pinsan ni Dingdong Dantes ang nobyo ni Rochelle Pangilinan na si Arthur Solinap.
May anim na taon na rin ang relasyon nina Rochelle at Arthur at ang buong akala ng marami ay mauuna pa silang magpakasal kina Dingdong at Marian.
Masaya sina Arthur at Rochelle para kina Dingdong at Marian pero wala pa umano sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal dahil gusto muna nilang makapag-ipon at maging stable ang kanilang itinayong negosyo.
Si Rochelle ay nagsimula sa pagiging star dancer ng Sex Bomb Dancers pero mas nakatatak sa kanya ngayon ang pagiging isang aktres.
Ryzza Mae hindi makabalik sa iskuwela
Gustuhin man ni Aleng Maliit na si Ryzza Mae Dizon na pumasok sa isang regular class sa school, hindi ito posible ngayon dahil sa kanyang very tight schedule kaya umaasa na lamang siya sa isang distance learning school.
Ang nakakatuwa lamang kay Ryzza Mae, wala itong sumpong kahit tuluy-tuloy ang kanyang trabaho.
Meron two daily shows sa GMA na produced ng TAPE, Inc., si Aling Maliit, ang The Ryzza Mae Show at Eat Bulaga. In between ay naisisingit pa rin niya ang ilang TV commercial shoots at shooting ng kanyang MMFF movie with Vic Sotto, My Big Bossing.
- Latest