Nagtipun-tipon ang mga artista of yesteryears sa bagong events place ng Sampaguita Gardens along Valencia St. in Quezon City sa tinaguriang Seniors Prom Reunion na ideya ng dating pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada pero si Manay Ichu Maceda ang nag-spearhead para maisakatuparan ang much-awaited reunion ng mga veteran actors and actresses na nagmula sa iba’t ibang film studios noon tulad ng Sampaguita Studio, LVN, Tagalog Ilang-Ilang Productions, Premiere Productions, at iba pa.
Ayon kay Manay Ichu na siyang aligagang-aligaga sa preparasyon, presidente pa umano noon si Mayor Erap at buhay pa pareho ang movie king na si Fernando Poe, Jr. at ang comedy king na si Dolphy at maging ang action star na si Rudy Fernandez ay gusto na nilang matuloy ang nasabing reunion pero hindi naisakatuparan hanggang noong nakaraang Linggo lang.
Inamin ni Manay Ichu na apat na buwan ang kanyang ginugol para makapag-research ng mga materials (including old photos) ng mga veterans actors and actresses.
It was our first time to see in one event ang mga veteran stars na nagtipun-tipon na karamihan sa kanila ay first time nagkita-kita sa matagal na panahon.
Inamin din ng mayor ng Quezon City at aktor na si Herbert Bautista na na-star struck umano siya nang makita niya ang napakaraming veteran stars sa okasyon na `yun at karamihan sa kanila ay mga kapanabayan ng kanyang amang si Boots Bautista.
Tuwang-tuwa rin si AiAi delas Alas na makita sa isang okasyon ang mga hinahangaang artista.
“Ako ang pang-present generation,” biro niya.
Natawa naman si Maricel Soriano nang makita ang kanyang litrato na bagets pa siya.
Ang isa sa mga highlight ng gabing `yun ay ang pagiging close muli nina mayor Erap at Superstar Nora Aunor. Matagal na umupo at nakipagkuwentuhan si Mayor Erap sa table nina Guy (Nora) at Kuya Germs (Moreno).
Kung matatandaan pa, kumalas noon ng suporta si Guy kay Mayor Erap para suportahan ang katunggali noon sa pulitika, ang dating pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo.