Lovi parang mamamatay ang pakiramdam ‘pag nasa loob ng eroplano; Erich takot maahas at mang-ahas; Carla sarap na sarap sa butiki

MANILA, Philippines – Sa trailer pa lang, scary na ang Shake, Rattle & Roll XV na isa sa mga kasali sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Pasko.

Kahapon ay humarap sa entertainment media ang tatlong babaeng bida sa trilogy movie, sina Lovi Poe, Erich Gonzales, and Carla Abellana.

Si Lovi ang bida sa Flight 666 mula sa direksyon ni Perci Intalan; si Erich sa Ahas na gawa naman ni Dondon Santos at si Carla sa Ulam episode na dinirek Jerrold Tarog.

Pawang original ang story ng tatlong episode ng pelikula ng Regal Films.

At sakto ang tatlong bida sa mga ibinigay sa kanilang episode.

Si Lovi ay takot na takot sumakay sa eroplano. Lalo na ‘pag may turbulence. “Takot ako sa turbulence and then, sa eroplano, wala ka nang matatakbuhan! There’s no way out. Kaya naman ‘pag turbulence talaga, I pray for my life!”

At sa shooting nga nila, ilang beses natakot at inatake ng nerbyos si Lovi. “Kasi naman ‘yung  halimaw na gamit sa movie ay nakaka-kilabot ang hitsura. Napapikit ako nang atakihin ako ng halimaw sa eksena. Nahilo ako sa kakasigaw at kakatakbo. Although alam mong props lang ‘yun pero nakakabaliw kasi talaga ang hitsura,” litanya ni Lovi.

Si Erich naman ay walang takot sa ahas. Nakahawak na raw siya ng ahas. Pero aniya, hindi pa naman siya naaahas o nang-ahas. “Sa totoong buhay, huwag naman sana akong maahas! Parang scary yata. Pero ‘yung ahas na totoo, okey lang naman ako. Madulas!,” sabi naman ni Erich.

Dahil sa role na ahas, dusa ang inabot ni Erich. “Five hours idinidikit sa balat ang parang skin ng snake. ‘Yes mahirap, pero very challenging,” sabi ni Erich na ahas sa isang mall ang role.

At si Carla, hindi niya talaga kayang kumain ng mga exotic na ulam. Eh sa pelikula kailangan niyang kumain ng butiki.

“First time kong kumain sa plato na nandu’n talaga ‘yung mga  butiki. Hindi na nga ganu’n kasarap ‘yung kinakain mo, lalo nang hindi pa magandang tingnan ‘yung plato na pinagkakainan mo.

“So, ‘yun ‘yung challenge na may plato ka sa harap, punung-puno ng butiki pero takam na takam ka at sarap na sarap ka sa kinakain mo.

“’Yung diri factor talaga na hindi ka masusuka,” kuwento ni Carla na sa pelikula ay nagiging butiki siya tuwing lalantakan niya ang butiki.

“Ewan ko lang kung makakain pa sila nang maayos once mapanood nila itong episode ng Ulam,” sabi ng aktres na hindi naman pala malusog ang hitsura.

Sa true lang, incomplete ang MMFF ‘pag walang SRR na parang tradisyon nang manakot tuwing Pasko.

Julie Anne pangarap maka-duet si Lea Salonga

Dream guest ni Julie Anne San Jose si Lea Salonga in case na may chance siyang maimbita ang broadway actress and singer sa kanyang Hologram concert sa SM Mall of Asia Arena sa December 13, 2014.

Pero parang malabo na itong mangyari dahil malapit na ang concert at isa sa mga nagme-mentor si Lea sa The Voice of the Philippines ng ABS-CBN. Pero dream lang naman ang sinabi ni Julie Anne.

Anyway, handang-handa na si Julie Anne sa kanyang first major Hologram concert.

Bukod sa kanyang powerful vocals, electrifying dance moves ay magpapakita rin siya ng galing sa pagtugtog ng iba’t ibang musical instruments habang gamit nila ang hologram technology.

“Very proud po ako sa upcoming concert na ‘to. Aside from the technological advancements, inaasikaso rin namin ang iba pang mga detalye ng show,” shares Julie Anne.

Very hands on din ang multi-platinum recording artist sa kanyang production numbers.

“Marami pa akong gustong ipakita sa fans ko na kaya kong gawin,” she adds.

Makakasama niya sa Hologram concert ang Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Youtube sensation Abra, Kapamilya star Sam Concepcion, and other surprise guests.

Malayo na nga ang narating ni Julie Anne simula nang ilunsad siya bilang member ng Popstar Kids, ang singing competition na napanood sa dating GMA QTV noong 2008.

Since then, Julie Anne has appeared in nume­rous TV series, variety shows, and films sa GMA.

Hologram is produced by GMA Network, Inc. and Tarroza Entertainment Productions.

Show comments