^

PSN Showbiz

Magandang magpa-picture pinakamalaking indoor parol at higanteng X-mas tree sa Resorts World, inilawan na!

Rodel C. Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Damang-dama na ang Pasko sa Resorts World Manila (RWM) simula noong Biyernes matapos ilawan ang  largest indoor parol ng isa sa dinarayong resort hotel sa bansa.

Ang nasabing indoor parol ay bahagi ng Grand Fiesta 2014 celebration ng Resorts World.

Bukod sa higanteng indoor parol, inilawan nila ang higanteng Christmas tree at maraming iba pang parol na gawa sa Pampanga na tiyak na kasisiyahan ng mga nakakakita.

Pinangunahan ng mga executive ng RWM na sina Chief Operating Officer Stephen Reilly, President Kingson Sian, Chief Hotel Operations Officer Scot Sibley kasama sina Pasay City Rep. Emi Calixto-Rubiano at Pasay City Mayor Antonio Calixto ang pagbukas ng switch ng 18 ft. na parol na siyang pinakamalaking indoor parol sa Metro Manila at ang kanilang 30 ft. Christmas tree.

Bahagi ang Grand Fiesta grand opening ang nakamamanghang opening presentation ng Banda Kawayan na makailang beses tumugtog at umaliw sa mga guest pati na rin sa mga taong nasa mall.

Kasabay nito ang pagharana ng Sisters of Mary Boystown Choir.

Ilan pa sa mga nag-perform noong gabing iyon ang international balladeer na si Rex Smith kasama sina X Factor Philippines finalist, Mark Mabasa, 2012 Karaoke World Championships runner-up, Lilibeth Garcia, Lucky Robles, at JV Decena.

Habang enjoy na enjoy ang mga guest sa masasarap na pagkain at unlimited drinks, nagpakitang gilas ang Men In Black Acrobats, mga mascot kasama si Santa Claus na namigay ng mga kendi at tsokolate, kasabay ang Parade of Lights.

Pero siyempre hindi natapos ang gabi rito dahil nakahabol pa kahit na naipit sa trapik ang Pinoy balladeer na si Arthur Manuntag at dating miyembro ng Eraserheads at kasalukuyang member ng Pupil at The Oktaves na si Ely Buendia. Ang lakas pa rin ng dating ni Ely at talaga namang nagpakilig pa rin ito ng mga kababaihan.

Bukod sa mga nakakamanghang parol at higanteng Christmas tree na tiyak na dadayuhin ng marami para magpa-picture, marami pang ibang exciting happenings for Christmas ang handog ng RWM.

Kabilang sa mga hindi dapat palampasin ang movie premiere ng The Hunger Games: Mockingjay (Part I) (Nov. 19 at 20); ang pagbabalik ng Priscilla, Queen of the Desert (Nov. 28-Dec. 7) na siyempre pinangungunahan nina Jon Santos, Red Concepcion, at Michael Williams; screening ng The Hobbit: The Battle of the Five Armies (Dec. 10); All-star Christmas Day special kasama ang Banda Kawayan, sina Arthur Manuntag at Sitti Navarro on (Dec. 25); at ang UP Singing Ambassadors (Dec. 25).

Sa New Year’s Eve countdown party naman sa Dec. 31, na gaganapin sa The Plaza ay tatampukan ng star-studded performances ng Banda Kawayan uli, Main Cast Band, Mitoy and the Draybers, kasama pa sina Princess Velasco, Yeng Constantino, Ely Buendia, at The Dawn. Magkakaroon din ng New Year’s mass sa unang araw ng 2015.

ARTHUR MANUNTAG

BANDA KAWAYAN

BATTLE OF THE FIVE ARMIES

BUKOD

CHIEF HOTEL OPERATIONS OFFICER SCOT SIBLEY

CHIEF OPERATING OFFICER STEPHEN REILLY

CHRISTMAS DAY

ELY BUENDIA

GRAND FIESTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with