Kung kailan naman papetiks-petiks na ang career ni Jake Cuenca at saka naman natapos ang relasyon nila ng girlfriend niya na akala ng marami ay magtatagal. Natapos na niya ang kursong inaral niya sa acting sa U.S. Pagkatapos nito ay nanalo siya ng best actor sa International Film Festival Manhattan. ‘Yun pala, malaki ang magiging kapalit nito, ang break-up nila ng nobya niyang modelong si Chanel Olive Thomas. You can’t win them all, Jake!
Piolo wala ring magawa kina Iñigo at Sofia
O kita n’yo ha, girlfriend-boyfriend pa lang at hindi pa naman masasabing seryoso ang relasyon nina Iñigo Pascual at Sofia Andres. Pero agad nang naipakilala ng batang aktor sa kanyang mga magulang si Sofia. At meron bang magagawa ang mga magulang nila kundi ang subaybayan na lang at gabayan ang dalawa nang husto para hindi sila malihis ng landas?