Ginaya si Ara Cristine siniguro munang maayos ang pagbubuntis bago inamin

PIK: Bongga ang selebrasyon ng anniversary ng Magpakailanman.

Pumunta sila ng Japan para kunan ang dalawang kuwentong ilalahad na nangyari sa naturang bansa.

Sina Paolo Contis, Sunshine Dizon, at Glaiza de Castro ang kukunan doon, at si Paolo ang pinaka-excited sa lahat dahil type na type niya ang role na gagampanan.

Tungkol sa isang operadang bading ang kuwentong gagawin ni Paolo, pero may twist daw na hindi mo raw akalaing may ganung kuwentong nangyari sa Japan.

PAK: Naka-apat na bridal shower na si Marian Rivera. Sa Singapore naman sila ngayon kasama ang Triple A family niya kay Mr. Tony Tuviera.

Hindi maiwasang ikumpara na naman kay Heart Evangelista na wala pang napabalitang bridal shower.

Sa February pa naman kasi ang kasal niya, kaya kinakarir nina Lovi Poe, Solenn Heussaff at ilan pang bestfriends nito ang bridal shower kay Heart dahil ayaw daw niya ng male stripper. Pero may naisip daw sina Lovi na mas kuwela na tiyak na matataypan daw ni Heart.

BOOM: Kagaya ni Ara Mina, hindi muna in-announce ni Cristine Reyes na buntis siya hangga’t hindi pa okay na okay na ang kalagayan niya.

Matagal din bago lumabas si Ara para amining buntis siya sa pangalawang pagkakataon. Natuto na kasi siya nung unang pagbubuntis niya, na nakunan siya.

Kaya hindi muna siya nagsalita hangga’t hindi natiyak na okay na okay na ang ipinagbubuntis niya.

Kaya itinatanggi ni Ara sa mga nakaraan niyang interview na buntis ang kapatid niya. Pero sabi niya, wala raw siyang itinatanggi at hindi naman daw nila itinatago.

Show comments