MANILA, Philippines – Matagumpay na naisagawa ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Ikalawang Family and Child Summit na ginanap sa GT-Toyota Asian Cultural Center, University of the Philippines Diliman noong ika-8 ng Nobyembre 2014.
Pinamagatang Matalinong Panonood Para sa Pamilya at Lipunan nina Juan at Juana, ang summit ay dinaluhan ng halos walong daang (800) indibidwal.
Kabilang sa mga opisyal ng gobyerno na nakibahagi sa summit ay sina Cong. Mel Senen, MMDA Usec. Alex Ramon Cabanilla, PCOO Asst. Sec. CJ Licudine bilang kinatawan ni PCOO Sec. Sonny Coloma, at NCCT Exec. Director Delia Hernandez. Naroon din ang Philippine Dragon Boat Team bilang kinatawan ni Gen. Romeo Gan at AFP Civil Relations Services, gayundin ang kinatawan ng NDRRMC at Bureau of Fire Protection.
Nakiisa rin ang mga lider at kinatawan ng iba’t-ibang simbahan at religious organizations gaya nina Fr. Joselito Jopson, Fr. Jojo Buenafe ng TV Maria, Fr. Arnold Abelardo, Sr. Praxedes Paloma, at Sr. Mennen Alarcon, Pastor Dennis Sy, at Rommel Sanvictores para sa INC.
Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Jesuit Communications (JesCom) at De La Salle educational system sa pamumuno ni Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso, S.J., at Bro. Dennis Magbanua FSC ng (CSB).
Nakilahok din ang mga pinuno at kinatawan ng industriya ng pelikula at telebisyon at ng cable companies gaya nina ABS-CBN Business Unit Head Raymond Dizon, INC TV Executive Erwin Galapon at Philippine Cable Television Association Representative Sam Lanuza. Nakilahok din ang mga kinatawan mula sa GMA Network, GMA News TV, TV5, Net25, TAPE, Christian Broadcasting Network (CBN), Solar Entertainment, at Global News Network (GNN).
Dalawang pangunahing tagapagsalita ang naging parte ng summit, si Cong. Maria Leonor “Leni” Robredo at si Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino.
Tinalakay ni MTRCB Board Members Gladys Reyes, kasama ang celebrity couples na sina Paolo at Suzie Abrera at Alex at Judy Tinsay ang tungkol sa Family TV and Film Viewing.
Pinangunahan naman ni Chairperson Toto Villareal, kasama ang indie director na si Ellen Ongkeko-Marfil at Eric Mallonga, ang talakayan ukol sa Children’s Cinema.
Parte rin ng programa ang paglulunsad ng 2015 MTRCB Film and TV Infomercial sa direksyon ni Jose Javier Reyes na tampok ang celebrity couple na sina Ryan at Judy Ann (Santos) Agoncillo.
Ginawaran ng plake ng pagpapahalaga ang mga movie direktor at institusyong naging parte ng kakatapos na MTRCB Children’s Classics. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Quezon City Film Development Commission (QCFDC) na pinamunuan ni VM Joy Belmonte at Executive Director Ed Lejano Jr.
Dumalo sa summit upang makiisa at tanggapin ang parangal, sina Dr. Hossein Faiyaz at Dr. Kiumars Amiri para sa pelikulang Children of Heaven at Colors of Paradise at Direktor Ellen Ongkeko-Marfil para sa pelikulang Boses. Pinarangalan din ng MTRCB ang Chinese Embassy para sa pelikulang Not One Less at Dance Without Music at si Direktor Ditsi Carolino para sa dokumentaryo niyang Bunso.
Nagbigay-kasiyahan at kulay sa summit ang pagdalo at pagkanta nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nagtanghal din ang bagong all-kid Filipino rock band na Square One Band.
Nagtanghal din ang iba pang sikat na artista gaya nina Princess Velasco, Glydel Shane Danda, Diva Montelaba, Jovit Baldovino, Michael Pangilinan, at Ejay Falcon.