MANILA, Philippines – Sinasaad ng pelikulang HORNS ang kwento ng binatang si Ig Perrish na namatayan ng nobya na si Merrin, na naging biktima ng panggagahasa at pagpatay. Kahit walang ebidensiya na nagdidiin kay Ig na siya ang may sala, galit pa rin sa kanya ang mga tao at nilalayuan siya. Matapos ang isang gabing paglalasing, nagising si Ig na may pares na sungay sa kanyang ulo, at hindi ito kathang-isip lamang. Nabigo siya na ipatanggal ito, at nadiskubre niya na may taglay na kapangyarihan ang sungay na ipaamin sa mga tao ang kanilang pinakamadilim na sekreto. Sa tulong ng sungay, hahanapin ni Ig ang pumatay sa nobya niya.
Kwento ni Alexander Aja, ang director ng blockbuster horror flicks na Piranha 3D at The Hills Have Eyes, na nang una niyang mabasa ang HORNS (nobela ni Joe Hill), ay naantig siya sa love story, natuwa sa satire, naaliw kung paano naipakita nito ang likas na ugali ng tao, at bumilib kung paano itinahi ni Joe Hill ang lahat ng ito sa kwento. Sampung taon nang nagdi-direk at sumusulat si Aja ng horror movies, at naging interesado siya sa HORNS dahil ang kwento ay hindi lamang isang “parable about good vs. evil, but a supernatural thriller with a romantic quest at its heart,” aniya.
Nang siya ay mapili para maging director, ilang buwan ding pinag-aralan ni Aja ang nobela para masigurong masusunod nila ito. Ayon sa kanya, “the story also spanned more than a decade in scope as it moved from Ig’s childhood memories and the present day”. Ang aspeto ng kabataan ni Ig ay importanteng parte ng pelikula para ipakita kung ano ang humubog sa kanyang pagkatao.
Sa pagpili ng actor na gaganap ni Ig, ito ang ginawang batayan ni Aja: “he had to be natural and charming with a pair of horns growing out of his head”. Ayon sa kanya, naunang gawin ang mga sungay bago matapos ang casting. Dagdag pa niya, “Ig had to appeal to both genders in order to elicit compassion from them. As a result, Daniel Radcliffe (Harry Potter) became an obvious choice.” Tamang-tama naman na fan rin si Radcliffe ng nobela ni Joe Hill.
Sa kanyang interview sa Comic Con, sinabi ni Radcliffe na ang mga pelikulang gusto niyang gawin ay yung may tema na makaka-relate ang mga tao. Sa kaso ng HORNS, siguradong maraming makaka-relate sa tema ng pagiging outcast at sa pagdudusa at pagharap sa pagkamatay ng minamahal. “Really crazy and wild way,” ang ginamit na mga salita ni Radcliffe kung paano ito pinakita ng nobela at ng pelikula. Gamit ang kanyang mga sungay, nagagawa ni Ig na mapaikot ang mga tao at mapalabas sa kanila ang kanilang mga tunay na iniisip at nadarama. Ngunit makakadagdag sa kanyang sama ng loob ang hindi magagandang iniisip tungkol sa kanya ng kanyang mga kaibigan at kapamilya. Isinalarawan ni Aja ang sitwasyon ni Ig bilang isang “continual battle between good and evil, a rollercoaster ride that violates all expectations in a sardonic and yet heart-wrenching way.”
Nakuha ni Juno Temple (Maleficent, The Dark Knight Rises) ang papel bilang Merrin dahil ayon kay Aja, “she had this dualism of beauty and strength”, na kailangan sa karakter ni Merrin na mukhang maamo o“delicate”, ngunit ang kanyang kaluluwa ang nag-uudyok kay Ig para ipaghiganti ang kanyang pagkamatay (“her spirit also drives Ig’s quest to avenge her death”).
Sinabi ni Radcliffe na malaking karangalan para sa kanya ang makatrabaho si Alexander Aja, at pinuri niya ang ginawa nitong pagsasama ng romance at horror fantasy. Sabi ni Radcliffe, “he just effortlessly and fearlessly combined all those tones with such glee that I really feel is infectious when you watch the movie.”
Ang HORNS ay isang nakakakilabot na pelikula na palabas na sa mga sinehan mula sa MVP Entertainment at Viva International Pictures.