Bea inaming ikakasal na sila ni Zanjoe!

Medyo nalito ang movie press sa presscon ng Dream Dad na nagtatampok kina Zanjoe Marudo at ng bagong child wonder ng ABS-CBN na si Jana Agoncillo dahil walang kagatul-gatol na sinabi ni Ms. Gloria Diaz na sinabi sa kanya ni Bea Alonzo na magpapakasal na sila ni Zanjoe. Pero nang kumpirmahin ito ng kauna-unahang Pinay na naging Miss Universe ay sinabi ni Zanjoe na “Hindi pa siguro. Baka ibang Bea ang nakausap n’yo?”

Na-curious ang media sa magkaibang pahayag ng magdyowa. Parang naamoy nila na may hindi nagsasabi ng totoo sa dalawa. Na baka may balak na sila, pero ayaw pa lang nila itong ipagsabi. Pero si Zanjoe ay hindi talaga makapaniwala na magsasalita ng ganun si Bea. He is hopeful, pero hindi agad-agad.

Leo, Bembol, Rez, Soxie, at Pen may bagong raket na!

Kung sa Amerika ay tinatangkilik at kumikita ang mga pelikula na pinagsasa­mahan ng mga beteranong artista, o ka­hit solo lang sila, bakit hindi natin subukan dito at baka makatimbog din tayo ng kikitang pelikula na tampok hindi ang mga kabataang artista kundi ‘yung matatawag na tatay na nila.

Isang bagong produksyon ng pelikula ang Cosmic Raven Ventures Productions (CRV) na pinamumunuan nina Ma­rilou Nonato at Rylan Flores ang magtatangkang magpasimula ng uso sa pelikula na mga matatanda naman ang bida sa pamamagitan ng Gangster Lolo. Tungkol ito sa isang grupo ng mga senior citizens na raket ang pagnanakaw. Makukulong sila, pero ang perang ninakaw nila ay maitatakas at maibabaon ng isa nilang kasamahan. Kung may magagawang mabuti ang pera sa kanila at kung mapapakinabangan nila ito ang siyang buod ng kuwento ng mga matatandang preso.

Ang Gangsler Lolo ay tinatampukan nina Leo Martinez, Bembol Roco, Rez Cortez, Soxie Topacio, at Pen Medina. Kasama pa rin sina Isabel Gra­nada, Boy Alano, at Archie Adamos.

Show comments