Gloria hindi pinigilan ang anak sa paglipat

Magiging Kapamilya na raw si Isabelle Da­za ayon sa kanyang inang si Gloria Diaz. Kung dito ba siya magiging masaya sino ba ang pipigil sa kanya? Hindi rin naman siguro siya matatanggal sa Eat Bulaga dahil TAPE ang producer nito at hindi GMA, so parang wala ring malaking pagbabago sa kanya. Ganito lang naman sa showbiz. Kung saan ka masaya, eh ‘di dun ka!

Edu at Ronnie ayusin na sana ang gulo tutal ‘magkapamilya’ na

Sana ngayong pareho nang Kapa­milya sina Edu Manzano at Ronnie Ricketts, magbati na sana sila. Pag-usa­pan nila bilang mga lalaki ang pi­nag­mulan ng gulo nila at kung may mga maling pagbibintang, hindi naman makakabawas sa pagkalalaki nila ang mag-sorry at magpatawad kung kinakailangan. Come on guys. Shake hands!

Mga kilalang singer gusto na ring mag-audition sa The Voice

Sa ginagawang pagsali ng mga may pangalan nang singer sa The Voice of the Philippines, mas nadaragdagan ang kasikatan ng pakontes na ito sa pagkanta. At dahilan sa hindi pagwawagi ng maramIng magagaling din naman, pero wala lang swerte, mas dadami pa ang mga sikat na lalahok dito. Lalo’t hindi na nakakahiya kapag hindi pumasa sa audition.

Show comments