Vice na-realize na mas mapapadali ang buhay kung lalayasan ang Showtime
Kahapon ay muling napanood si Vice Ganda sa programang It’s Showtime. Matatandaang nagpaalam kamakailan ang host sa mga manonood na pansamantalang mawawala sa nasabing programa dahil sa kondisyon ng kanyang lalamunan. Mayroon pa ring polyp sa vocal cord ni Vice kaya hanggang maaari daw ay iniiwasan niya ang mapasigaw. “’Pag nandito ka kahit ayaw mong sumigaw, ‘yung energy ng madlang pipol nakakatakot, mapapahiyaw ka talaga,” bungad ni Vice.
Mayroon daw na-realize ang komedyante habang nanonood ng kanilang programa noong mga panahong nagpapahinga siya sa bahay. “Nanonood ako, sabi ko ang saya ng madlang pipol. Itong Showtime mabubuhay ‘to ng wala ako pero na-realize ko, hindi pala ako mabubuhay ng walang Showtime,” kwento ni Vice.
Magtutuloy-tuloy na kaya ang muli niyang pagho-host sa nasabing noontime show? “Siyempre for good naman. Habang-buhay tayo magkasama. Pero ito na, kasi nga masaya po tayong lahat. Masaya din ako pero hindi kasi natanggal ‘yung polyp sa lalamunan ko. Kailangan ko pong magpaopera sa January kaya mawawala ako ulit sa January, pero sandaling-sandali lang kasi hindi naman pwedeng magtagal. Ikamamatay ko, mas ikamamatay ko ang pagkawala rito kaysa sa polyp sa lalamunan ko. Kaya babalik din po ako kaagad,” giit ni Vice.
Coleen si sam ang bagong kasama!
Nakapirma na ng kontrata si Coleen Garcia sa Star Cinema kamakailan. Isang pelikula ang nakatakdang gawin ng aktres kasama sina Sam Milby at Meg Imperial. “I’m really really excited. Maybe more than anything, ‘yung emotion na nagsa-standout talaga is really excitement. The movie is called Ex With Benefits so it kind of speaks for itself, and it’s a Wattpad story,” nakangiting pahayag ni Coleen.
Nakapagbida na ang aktres sa independent film na #Y at umani rin ng papuri ang dalaga dahil sa ipinakita nito sa nasabing proyekto. “It feels really good because that was for Cinemalaya and I was around really talented actors. I always thought before becoming a host that I would take this path to acting but I ended up becoming a host and now I guess I’m back to acting, and it’s something I didn’t really plan. I just really go where I’m taken. So that’s also what happened when I started joining Showtime, I just went with it. Now, I’m having fun and I’m learning a lot from it. So I’m just going with the flow right now,” paliwanag ni Coleen.
Ire-release na rin ng Star Cinema ang nasabing indie film ng aktres sa susunod na buwan. “I’m happy because a lot of people weren’t able to see it and people would tell me, my friends, distant relatives, people also from showbiz, they tell me that they wish they could’ve seen it but they weren’t able to because it only came out in selected theaters in Metro Manila. I’m excited because now people who want to watch it can watch it,” pagtatapos niya. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest