MANILA, Philippines - Genius. Wizard.
‘Yan ang bansag sa batang si Gerald Tamayo nang kumalat sa Internet at sa mga balita ang isang video kung saan mapapanood siyang sumasagot ng mga mahihirap na math equation--mga tanong na nasasagot niya ng tama.
Ngunit paano ito nagagawa ng isang batang hindi nag-aaral at palaboy lang sa lansangan?
Ngayong Sabado sa Magpakailanman, samahan si Ms. Mel Tiangco sa kaniyang pagkilala sa batang sumikat dahil sa kaniyang nakabibilib na kakayanan. At alamin ang kuwento sa likod ng kanyang runong at talino.
Paano nga ba ang isang batang nakatira sa kalye ay napabibilib ang mga engineering student na nakakilala sa kanya?
At anong lungkot ang buhat ng kanyang mumunting mga balikat at nauwi sa pagbebenta ng sampaguita ang kanyang kapalaran?
Itinatampok sina Gina Pareno, Mylene Dizon, at Miggs Cuaderno dito sa unang handog ng Magpakailanman para sa second anniversary ng programa. Kasama rin sina Gerard Madrid, Rap Fernandez, at Ina Feleo.
Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, huwag palagpasin ang Henyo ng Bangketa: The Gerald Tamayo Story ngayong Sabado (November 15) sa Magpakailanman, 7 p.m. pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.