^

PSN Showbiz

Henyo ng bangketa nasa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Genius. Wizard.  

‘Yan ang bansag sa batang si Gerald Tamayo nang kumalat sa Internet at sa mga balita ang isang video kung saan mapapanood siyang sumasagot ng mga mahihirap na math equation--mga tanong na nasasagot niya ng tama.  

Ngunit paano ito nagagawa ng isang batang hindi nag-aaral at palaboy lang sa lansangan? 

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, samahan si Ms. Mel Tiangco sa kaniyang pagkilala sa batang sumikat dahil sa kaniyang nakabibilib na kakayanan. At alamin ang kuwento sa likod ng kanyang runong at talino.

Paano nga ba ang isang batang nakatira sa kalye ay napabibilib ang mga engineering student na nakakilala sa kanya? 

At anong lungkot ang buhat ng kanyang mu­mun­ting mga balikat at nauwi sa pagbebenta ng sampaguita ang kanyang kapalaran?

Itinatampok sina Gina Pareno, Mylene Dizon, at Miggs Cuaderno dito sa unang handog ng Magpakailanman para sa second anniversary ng prog­rama. Kasama rin sina Gerard Madrid, Rap Fernandez, at Ina Feleo. 

Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, huwag pa­lagpasin ang Henyo ng Bangketa: The Gerald Ta­mayo Story ngayong Sabado (November 15) sa Magpakailanman, 7 p.m.  pagkatapos ng Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.

 

vuukle comment

ANG TUNAY

GERALD TA

GERALD TAMAYO

GERARD MADRID

GINA PARENO

INA FELEO

MAGPAKAILANMAN

MIGGS CUADERNO

MS. MEL TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with