Talunang Pinay representative sa Miss International ayaw tantanan

PIK: Ayaw na lang munang magsalita ni Lani Mercado pero malaki ang pasasalamat niyang pumayag ang Sandiganbayan na ma-confine si Sen. Bong Revilla sa St. Luke’s Gobal para magpatingin sa kanyang sakit na migraine at pati na rin ang hypertension.

Ilang beses nang inatake si Sen. Bong ng migraine sa kanyang detention cell sa Camp Crame at lagi siyang sinasabihan ng security nito na magpatingin siya sa hospital ng AFP, pero tumatanggi ito.           

 Ayaw na lang daw niyang makaabala pa sa mga pulis, kaya tinitiis na lang niya.

Mabuti at pumayag na rin itong magpa­tingin sa hospital at ma-check nang mabuti sa St. Luke’s Global.

PAK: Muling nabuntis ang dating kilalang Sex Bomb Dancer ng karelasyon niyang taga-Starstruck.

Malaki ang nabago sa taga-Starstruck alumnus na ito nang nag-asawa na sila ng dating taga-Sex Bomb. Pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin siya sa paghahanap ng trabaho at raket sa showbiz dahil magdadalawa na ang anak nila.

Abangan ang kuwentong ito sa pangalawang palabas ng 19thanniversary episode ng Startalk.

BOOM: Nagpapasalamat ang pambato natin sa Ms. International na si Mary Anne Bianca Guidotti dahil sa patuloy pa rin ang pagtatanggol sa kanya kahit hindi ito nagwagi sa nakaraang Ms. International.

Inabot ito nang pang-aalipusta mula sa ibang ba­shers, pero patuloy na ipinagtatanggol siya sa social media.

Inako ng manager niyang si Jonas Gaffud ang pagkakamali kung bakit hindi man lang nakapasok sa  top 10 pero  tanggap naman nilang malaki talaga ang pressure sa mga winner natin ngayon dahil malaki ang expectations nila na maulit ang winning streak ng mga pambato natin nung nakaraang taon.

Inaasahang hindi ito mangyari sa mga susunod na sasali gaya ni Valerie Weigmann para sa Ms. World at si MJ Lastimosa sa Ms. Universe.

Show comments