Dance show ni Marian at Magpakailanman pinagpalit ng oras!

Walang kapaguran si Marian Rivera dahil pagkabalik mula sa Dubai, kung saan nag-show sila nina Dingdong Dantes at Julie Anne San Jose, back to work na agad siya.

Noong isang araw, kasama ang ibang talents ng Triple A, nagkaroon sila ng pictorial para raw sa Look Book. Sinundan ito ng shoot ng TV special directed by Bb. Joyce Bernal. Ang Triple A management ni Marian pa rin daw ang nasa likod ng TV special at siguradong gagamitin sa kasal nila ni Dingdong.

May launching din siya para sa bagong endorsement.

Ibang project din ang narinig namin na gagawin ni Marian, pero sa GMA 7 at hindi sa alinmang Korean TV network. Saka next year pa ito, after her wedding.

Samantala, simula bukas, 8:30 p.m. na mapapanood ang Marian, nagpalit sila ng time slot ng Magpakailanman.

Mag-amang Piolo at IÑigo nagpapasalamat sa isa’t isa na naging magtatay sila

Very proud si Piolo Pascual sa anak na si Iñigo Pascual at sa first movie nitong Relaks, It’s Just Pag-ibig na graded A ng Cine­ma Evaluation Board (CEB) na showing pa rin ngayon. Siguradong sinabi ng personal ni Piolo sa anak na ipinagmamalaki niya ito, pero sa Instagram (IG) nabasa ng followers ni Piolo ang message na para sa anak.

Sabi ni Piolo: “Seeing your son achieve his dream and become his own person is every father’s dream. Watching his movie last night (sa premiere night) was a treat...As much as I’d like to invite you all to watch, I won’t hard sell...All I can say is that I’m proud to be @iminigopascual’s father..Thanks for insisting on doing the movie pugeh..It’s all worth it:) Congrats my son:)”

Sinagot ito ni Iñigo ng “I wanna say thank you because I would not be where I’m at or have achieved anything without you and mom. I don’t want to have to write all of the things I want to thank you for hereon IG and seem like I’m selling our faher/son relationship. But you know how much I love you and how thankful I am that your my dad. I’m truly blessed to have you as my dad.”

Ang hihintayin ngayon ni Piolo ay ang second mo­vie ni Iñigo sa Viva Films na Para Sa Hopeless Romantic kasama sina James Reid, Julia Barretto, at Nadine Lustre.

Pink festival ng QC pinananabikan

Exciting ang darating na Quezon City International Pink Film Festival (QCIPFF) sa rami ng happening bago ang December 9-13 na petsa ng festival.

Big event na ang premiere night sa Dec. 8 na darating din ng invited international guests.

Sa Dec. 13, ang Pride March na lalahukan ng lahat ng barangay ng Kyusi at may competition ng best float, may night party, rainbow booths, fashion show, at may QC LGBT Rainbow awards.

Ang documentary ni Nick de Ocampo na #pinQCity ang magbubukas sa festival at kabilang ito sa 45 films na mapapanood sa largest LGBT film festival.

In-announce ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na malapit nang ipasa ang Gender-Fair Ordinance na magbibigay ng pantay-pantay na trato sa mga LGBT, same benefits sa health, education, at livelihood services. Inaalis din ng ordinansang ito ang discrimination sa mga LGBT. Sabi ni Vice Mayor Joy, pirma na lang ni QC Mayor Herbert Bautista ang hinihintay at maipapasa na ang ordinansa.

 

 

Show comments