Joey de Leon ipino-protesta ang paglalagay ng political issues sa Startalk

SEEN : Nag-mature ang itsura ni Desiree del Valle at napansin ito ng mga reporter na dumalo sa presscon ng Flor de Liza ng ABS-CBN. Si Desiree ang ka-love triangle nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa Flor de Liza.

SCENE: Hindi gusto ni Joey de Leon ang paglalagay ng political issues sa Startalk dahil showbiz talk show ito at hindi political program.

SEEN: Kasama ni Zsa Zsa Padilla sa garden wedding nina Amy Perez at Carlo Castillo ang kanyang ‘fiancé’ na si Architect Conrad Onglao. Tanggap na tanggap ng Padilla clan si Conrad para maging third husband ni Zsa Zsa.

SCENE: Gumamit ng hair extension si Amy Perez sa kasal nila ni Carlo Castillo noong Miyerkules at siya rin ang nagmaneho ng kanyang sasakyan patungo sa wedding venue, ang The Mango Farm sa Antipolo City.

SEEN: Bukas na sa publiko ang Dingdong and Marian Royally Meant To Be, ang website ng nalalapit na pag-iisang dibdib nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Makikita sa website ang mga update sa magaganap na kasal sa Decemeber 30 nina Dingdong at Marian.

SCENE: Ang magbukas ng Facebook account si Heart Evangelista para sa February 2015 wedding nila ni Senator Chiz Escudero ang suggestion ng kanyang fans dahil mapagbibintangan siya na gaya-gaya kapag website ang binuksan niya.

SEEN: Mga Kapamilya na sina Edu Manzano at Ronnie Ricketts. Hindi magkasundo ang dalawa dahil si Edu ang pinagbibintangan ng kampo ni Ronnie na gumawa ng paraan upang masuspinde siya bilang Optical Media Board (OMB) Chairman, isang isyu na walang basehan at mahigpit na pinabulaanan ni Edu.

SCENE: Si Michael Cinco ang gagawa ng gown na gagamitin ni Miss World Philippines Valerie Weigmann sa Miss World 2014. Si Michael ang designer ng wedding gown ni Marian Rivera. Parehong mga talent sina Marian at Valerie ng Triple A, ang talent management company ni Tony Tuviera, ang producer ng Eat Bulaga.

 

 

Show comments