‘Miss Saigon’ insecure kay Rachelle Ann?!

PIK: Kahapon ng hapon ang pag-iisang dibdib nina Amy Perez sa matagal na niyang partner na radio personality na si Carlo Castillo.

Halos sumuko na si Amy sa ­paghihintay na makasal siya kay Carlo pagkatapos nilang magkaroon ng dalawang anak.

Matagal ang proseso ng annulment sa una niyang asawang si Brix Ferraris, kaya talagang iniyakan ito ng actress/TV host pagkatapos niyang matanggap ang resolution sa annulment.

 Ginanap ang kanilang kasal sa Mango Farm sa Antipolo na dinaluhan ng mga malalapit sa buong pamilya at malalapit na kaibigan.

PAK: Kamakalawa lang nakabalik si Rachelle Ann Go sa Ms. Saigon pagkatapos niyang magbakasyon ng ilang linggo dahil dumating ang pamilya niya.

Nakapunta pa si Rachelle Anne sa Pilipinas at pagbalik nito kasama niya ang kanyang pamilya para magbakasyon.

Napanood namin ang pagbabalik niya sa Ms. Saigon bilang si Gigi, at doon namin napatunayang mas maga­ling pala talaga siya sa gumaganap na Kim na si Tanya Manalang.

Natsitsismis pang may hidwaan ang dalawa, na posible nga dahil tiyak na mai-insecure itong Tanya kay Rachelle Anne na lu­tang na lutang ang galing kahit ilang tagpo lamang siya sa buong musical play.

Bukas ay may performance sina Rachelle Ann sa Royal variety na kung saan papanoorin ito ng Royal family.

BOOM: Nakausap namin si Rachelle Ann pagkatapos niyang mag-perform sa Ms. Saigon at ayaw niyang magkomento tungkol sa napabalitang may boyfriend na ito na kasama raw sa cast ng Ms. Saigon.

“Marami sila diyan nagpaparamdam, pero single pa po talaga ako,”  napapangiti niyang sagot.

Hiningan din namin siya ng komento sa pagpapakasal ng da­ting boyfriend niyang si John Prats at masayang-masaya raw siya para sa ex-boyfriend.

“Masaya po talaga ako sa kanila, at saka kaibigan ko si Liv (tawag kay Isabel Oli). Happy ako talaga,” pakli nito.

Show comments