Xian nape-pressure kay John Lloyd

Kamakailan ay napabalita ang diumano’y pagba-backout ni John Lloyd Cruz sa isang serye na pagbibidahan nina Jericho Rosales at Maja Salvador. Ngayon ay kumpirmadong si Xian Lim na ang pumalit kay John Lloyd para sa teleseryeng Bridges. “Yes, nakadalawang taping day na ako. I am really excited, siyempre to begin sa soap at laking pasasalamat sa Star Creatives at pinagkatiwalaan nila ako,” bungad ni Xian.

Nakararamdam daw ng pressure ngayon ang binata lalo pa’t si John Lloyd ang kanyang pinalitan sa bagong soap opera. “I am just really thankful and excited and I’m really going to it my all to make everything work. There’s pressure pero makakasiguro sila na pagbubutihan ko at they will see 100% of Xian,” pagtatapat ng aktor.

Matatandaang nabanggit din ni Jericho sa isang pahayag kamakailan na si Xian na nga ang pumalit kay John Lloyd. Ayon kay Xian ay isang malaking karangalan daw para sa kanya na makatrabaho si Jericho. “Sinabi niya ‘yon sa interview niya, sinabi niya na I’m really excited and his prayers are going out for me. Sinabi ko kasi sa kanya na isang karangalan na makasama ko siya,” kwento ni Xian.

Samantala, mapapanood na sa November 26 ang pinakabagong pelikula nina Xian at Kim Chiu na Past Tense. Kasama rin ang Comedy Queen na si AiAi Delas Alas sa nasabing pelikula.  

Ejay inilagay ang sarili bilang Yolanda survivor

Sa Sabado ay magbibida si Ejay Falcon sa special episode ng Maalaala Mo Kaya. Gaganap ang aktor bilang si Jomar na isang Yolanda survivor mula sa Tacloban. Si Jomar ay isang preso na ginawa ang lahat upang mailigtas sana ang pamilya sa pinsalang dulot ng bagyo at pagkatapos ay muling bumalik sa bilangguan. Namatay ang ina at mga kapatid ni Jomar dahil sa idinulot ng bagyo.

Mahigit isang taon na mula nang manalasa sa bansa ang bagyong Yolanda. “Sobrang hirap sa akin physically and emotionally. May eksena kami underwater, may binubuhat ako, basa sa ulan, malakas na hangin. Sa emosyon, iba ‘yung eksenang namatay ‘yung ina mo at ang kapatid mo. Ako pa naman ‘yung taong mahal na mahal ko ang family ko. Inilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon, ang bigat eh,” pagbabahagi ni Ejay. Makakasama ng aktor sa nasabing episode sina JB Agustin, Sharmaine Arnaiz, Lito Pimentel, Art Acuña at Boom Labrusca.

                 Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments