MANILA, Philippines - Mas bata ang hitsura ni Lani Misalucha nang humarap siya sa presscon kahapon para sa kanyang concert sa Araneta Coliseum sa December 6. Sa suot niyang mini dress parang hindi lola ang Asia’s Nightingale. Parang pumuti rin siya at mas naging sexy at bumagay sa kanya ngayon.
Anyway, nangako siyang makalaglag-pangang Cirque du Soleil production number ang pasabog niya sa kanyang La Nightingale return concert.
Seven years ago pa ang last concert ni Ms. Lani, at sa kanyang comeback dadalhin daw niya ang Las Vegas, kung saan siya nagtanghal at hinangaan ng international audience sa Araneta.
‘Yup, marami raw siyang gagawing higanteng production number.
Pero hindi naman daw mawawala ang kanyang timeless hits at version niya ng international classic ballads at mga patok na kanta ngayon.
Makakasama niya sa La Nightingale sina Arnel Pineda, Jed Madela, G-Force at may surprise guests pa raw.
Sasabak din ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra lead by Maestro Gerard Salonga. Si Paul Basinillo ang stage director at si Louie Ocampo naman ang musical director.
Mabibili na ang tickets sa concert sa Smart Araneta Coliseum at sa Ticketnet outlets sa buong bansa. Or please call 9115555 or ticketnet.com.ph
Movie nina Boyet, LT, Dina, at Edu 30 years ago ipapalabas uli sa mga sinehan
Puwedeng-puwedeng i-remake ang pelikulang Hindi Nahahati ang Langit, na isa sa mga mabusising nilinis at pinaganda ng Film Restoration project ng ABS-CBN. Starring sa pelikula sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Dina Bonnevie, at Edu Manzano.
At kabilang ang nasabing pelikula sa mga ipinalabas sa on going Cinema One Originals Film Festival sa Trinoma Mall cinemas.
Parang hindi 29-year-old ang pelikula na produced noon ni Ms. Charo Santos (now the president of ABS-CBN) at dinirek ng batikang si Mike de Leon.
Yup, halos tatlong dekada na ang nasabing pelikula pero nang mapanood namin last Tuesday parang bago ang quality. Except siyempre sa hitsura ng apat na bida.
At ang takbo ng istorya, hindi nalalayo sa mga pelikula at teleseryeng napapanood natin ngayon.
Ang kailangan lang sakaling i-remake ang kuwento ng step-siblings na sina Noel (Christopher) and Melody (LT) na nagmamahalan ay ang kanilang mga dialogue at ilang eksena para ma-update ang kuwento.
Para silang mga aso’t pusa kung mag-away dahil na rin sa pagiging magkaiba ng kanilang personalidad. Pero maiiba ang kapalaran nila nang mamatay ang kanilang mga magulang at maging legal guardian ni Melody si Noel.
Pero mas lalong titindi ang galit ni Melody sa step-sibling dahil sa paghihigpit kaya’t mapipilitan si Melody na pakasalan ang character ni Edu (Ronald) habang ang character naman ni Dina (Cynthia) ang pinakasalan ni Noel.
Nagkahiwalay sila pero muli silang nagkita at nagkatrabaho pa bilang business partners. At doon magkakaroon ng mga pangyayari na hindi inakala nina Noel at Melody na ‘yun ang kahihinatnan.
Mapapanood ang Hindi Nahahati ang Langit a selected theaters this month.
Ilan sa mga naunang pelikula na ni-restore na bahagi ng Film Restoration project ng ABS-CBN at ipinalabas uli sa ilang piling sinehan ay ang classic films na Himala, Oro Plata Mata, Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, Virgin People, at pinaka-latest nga itong Hindi Nahahati ang Langit.
Actually mahigit 60 na pala ang na-restore at nasalin na sa high definition o HD format ng ABS-CBN Film Archives headed by Leo Katigbak sa pakikipagtulungan ng Central Digital Lab, simula nang umandar ang naturang proyekto noong huling bahagi ng 2011.
Bukod sa ipinalalabas sa ilang selected theater ang digitally restored and remastered films, may copy din ang mga ito sa DVD, ‘yung iba sa free-to-air TV (ABS-CBN or Cinema One) at sa ibang bansa rin via TFC. Meron ding mga mabibili sa iTunes.
Sayang nga lang at tanging si Dina Bonnevie lang ang present last Tuesday night nang magkaroon ito ng screening. Sana nandoon sina Boyet, LT, and Edu dahil tiyak na mapapa-throwback sila.
Pero talagang walang katulad ang ganda nina LT at Dina sa pelikulang ito. Maging sina Boyet at Edu ay ibang klase ang acting.