Jolina at Marvin hindi makapaniwalang ‘nagkabalikan’

Kahit hindi sila ang nag-end up sa totoong buhay, masaya pareho ang dating magka-loveteam at magkasintahan na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa kanilang estado ng buhay ngayon.

Masaya si Jolina sa piling ng kanyang musician-husband na si Mark Escueta at anak na si Pele Iñigo habang may kambal na anak naman si Marvin sa dati niyang non-showbiz GF, sina Santiago at Sebastian.

Ang maganda kina Jolina at Marvin, nanatili silang magkaibigan hanggang ngayon kaya pareho silang kumportable sa isa’t isa kapag sila’y magkatrabaho.

Ngayong balik-Kapamilya na sila may bago silang serye na Flor De Liza, na magsisimulang ma­panood sa ere on December 1 bilang kapalit ng magtatapos na Be Careful with My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Never na inisip nina Jolina at Marvin na muling bubuhayin ng ABS-CBN ang kanilang tambalan considering na mahigit sampung taon silang nawala sa kanilang original home studio.

Carmen Soriano seksi at batambata pa rin ang hitsura

Palabas kami ng Glorietta 4 sa Makati City last Sunday evening nang aksidente naming makita sa hintayan ng sasakyan ang mag-inang Carmen Soria­no at Lloyd Samartino na nagkukuwentuhan.

Ang buong akala pa namin ay may bagong girlfriend si Lloyd na kasama dahil nakatalikod sa amin ang seksing babae na nagkataong si Carmen pala.

Napakaganda at sexy pa rin ni Mameng despite her age at nakakatuwa silang tingnan ng kanyang kaisa-isang anak na si Lloyd na nag-date at nag-shopping.

Years ago, aksidente rin naming nakita si Lloyd sa Target Market Mall ng San Francisco, California. Aksidente rin namin nakita sa Anaheim Plaza, sa Anaheim, California ang mag-asawang Sen. Grace Poe-Llamanzares at Neil Llamanzares na nagsa-shopping may apat na taon na ang nakakaraan.

Sadyang napakaliit talaga ng mundo, Salve A.!

Show comments