Ang bilis naman ng anak ni Papa P (Piolo Pascual) na si Iñigo Pascual. M.U. as in may “mutual understanding” na pala sila ni Sofia Andres, ang kapareha niya sa Relaks, It’s Just Pag-ibig. Aprub kaya rito si Papa P. O baka naman wala lang siyang choice. I think it’s too soon, baka makaapekto ito sa kanilang mga career, ang babata pa nila!
Mukha yatang pagdating sa love, napakabibilis ng mga lalaking artista ng Relaks. ‘Di ba inamin din ni Julian Estrada na naging girlfriend niya for six months si Julia Barretto?
Sana nga maka-inspire kay Iñigo ang kanyang young lovelife.
Jennylyn binuksan na uli ang puso
Kasabay ng pagtatagumpay ng career ni Jennylyn Mercado ang pag-unlad ng kanyang kabuhayan. Bukod sa pagtatapos ng ipinagagawa niyang bahay ay ang pagsubok niyang mag-try muli na pumasok sa isang relasyon. Nasa stage na siya ng pakikipag-date ng guy na sinubukan niyang papasukin sa kanyang buhay at hoping siya na sana ay mabigyan siya ng pagkakataon na maging masaya uli. She deserves it, she has been a good girl.