VM Joy all out ang suporta, grand winner sa Cannes kasali sa QC Pinkfest

MANILA, Philippines - Wala nang uru­ngan ang ma­gaganap na QC International Pink Festival, ang pinakamalaking LGBT film event sa Asia, bilang bahagi ng 75th anniversary ng QC.

Forty five films about lesbians, gays, bisexuals and transgenders mula sa 15 countries ang nakatakdang sumali sa nasabing Pink Festival. Gaganapin ito sa December 9-16 at Trinoma Mall.

Award-winning films ang naka-line up sa eight-day film program led by the controversial Cannes Film Festival grand prize winner, La Vie d’Adele (Blue is the Warmest Color), the German gay film, Freier Fall, and the American documentary, Before We Know It.

Kasama sa listahan ng mga sasaling bansa ang Sweden, Australia, Japan, Indonesia, Malaysia, Cambodia, and Vietnam.

Kasama naman sa local films na ipalalabas ay ang Lihis, Unfriend, Ang Huling Cha Cha ni Anita, and Gaydar. Kasama na sa 45 films ang short films and documentaries.

Ang Pride March naman will serve as highlight of the week-long celebration sa December 13. It will be staged sa Quezon City Memorial Circle. Inaasahang sasali ang lahat ng miyembro ng LGBT.

Hmmm, meron kayang mga artistang willing sumali sa Pride March para magladlad?

Isa sa pinakaaktibong supporter ng LGBT si QC Vice Mayor Joy Belmonte kung saan ipinaglaban nila ang Gender Fair Ordinance which was authored by Councilor Mayen Juico.

“Tayo lamang po sa tingin ko ang local government unit na naglakas ng loob na magtanghal ng isang Pink Film Festival.

“Tandang-tanda ko pa nung nakaraan na gumawa na ng ganito bago pa man ako nahalal bilang Pa­ngalawang Punong Lungsod. Ngunit napakaraming nagpayo na hindi pa panahon.

“Pero sa palagay ko ngayon, panahon na sapagkat may advocacy component po itong ating film festival.

“Kamakailan lamang po, nagkaroon ng halos walong oras ng pagdedebate ng konseho at naipasa po ng Sangguniang Panglungsod ng Lungsod Quezon ang isang ordinansa kung saan atin pong isinusulong ang pagkapantay-pantay po ng lahat ng mamamayan sa ating lungsod.

“Ibig sabihin po, ang LGBT sector ay hindi na iba sa ibang mamamayan sa ating lungsod. Ang tawag po natin sa batas na ito ay Quezon City Gender Fair Ordinance. Sa batas na ito, lahat ng kaibigan nating LGBT ay makakatanggap ng pantay-pantay na serbisyo sa kalusugan, sa pamamahay, sa edukasyon at sa social services or benefits.

“Sa kasalukuyan, hinihintay na lang natin ang mapirmahan ito ni Mayor Herbert Bautista at sabi niya, aanyayahan kayong muli dahil ayon sa kanya, ito ay isang landmark measure sa buong Pilipinas!” pahayag ni VM Joy.

For ticket reservations please visit www.qcpinkfestival.com or email info@qcpinkfestival.com. For Pride March Online registration visit http://www.qcpridecouncil.com/p/qc-p.html or email qcpridemarch@gmail.com.

Bianca Guidotti luhaan sa Miss International, Puerto Rican nasungkit ang korona

Ang 21-year-old na  Puerto Rican na si Valerie Hernandez ang kinoronahang 2014 Miss International. Ipinasa sa kanya ni 2013 Miss International Ms. Bea Santiago ang korona kagabi sa ginanap na pageant night sa Grand Prince Hotel Takanawa sa Tok­yo, Japan. First Runner-up si Miss Colombia, 2nd Runner-up Miss Thailand, 3rd Runner-up Miss United Kingdom and 4th Runner-up Miss Finland. Ang representative ng Pilipinas na si Bianca Guidotti ay hindi man lang nakasama sa Top 10.      

Show comments