^

PSN Showbiz

Jimmy at Kring, itinanghal na kauna-unahang Grand Couple ng I Do

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Korean-Pinay couple na sina Jimmy Kim at Kring Elenzano ang napusuang bigyan ng happy ending ng sambayanan matapos silang tanghalin bilang ang kauna-unahang Grand Couple ng Kapamilya realiseryeng I Do sa Final Ceremony ng programa nung Sabado (Nov 8).

Natanggap ng apat na taong magkasintahan ang 56.8% ng kabuuang boto mula sa publiko laban sa katunggaling Power Couple na sina Chad Fontanilla and Sheela Beterbo.

“Lagi po tayong maniwala sa true love, because true love waits. At lagi po nating ipagdadasal ang ­ating future husband or wife. Huwag pong kalimutan na napakahalaga ang pamilya sa relasyon ng bawat isa,” pahayag ni Kring.

“No boyfriend since birth” si Kring hanggang makilala niya si Jimmy sa isang K-pop event noong siya ay 25 na. Sa realiserye, naituro rin sa kanila ang kahalagahan ng pamilya sa isang relasyon. Ipinahayag ng dalawa kung paano nabago ng I Do ang kanilang buhay lalo pa’t sa pamamagitan nito’y nagkaayos si Jimmy at ang kanyang nanay na hindi niya nakita at nakausap sa loob ng higit sa isang dekada.

“Gusto naming ibahagi ang love story namin sa buong mundo. Napakasaya ko na invited ang lahat ng viewers sa kasal namin. I believe that if I didn’t meet Kring, nothing would have happened. Because of Kring, everything happened,” saad naman ni Jimmy na una nang nagpahayag na ang gusto niyang iregalo kay Kring ay mapanood ang kanilang kasal sa national TV.

Mapapanood ang kanilang Grand Wedding sa ABS-CBN sa susunod na Sabado (Nov 15).

Bilang Grand Couple, wagi rin sina Jimmy at Kring ng P1 milyon, house and lot, isang honeymoon package, negosyo package na nagkakahalagang P1.5 milyon, at home appliances.

Samantala, makakatanggap naman ng P500, 000 bilang runner-up couple sina Chad at Sheela.

Talaga namang inabangan ng sambayanan kung sino ang tatanghaling Grand Couple dahil pumasok ang official hashtag na #IDoFinalCeremony, pati na sina Jimmy at Kring at Chad at Sheela sa listahan ng trending topics ng Twitter sa buong mundo.

Samantala, nagsilbi ring reunion ang Final Cere­mony ng host na si Judy Ann Santos-Agoncillo, Rica Peralejo-Bonifacio, at ang nagbabalik-Kapamilyang si Jolina Magdangal-Escueta na binuksan ang programa sa isang production number. Inawit din ni Juris ang theme song ng realiserye na Baby, I Do.

Nitong linggo naman, inanunsyo ni Juday na magkakaroon ng Season 2 ang I Do matapos itong makatanggap ng maraming positive reviews. Ang I Do ay isang orihinal na konsepto ng ABS-CBN tampok ang mga magkasintahan na gusto nang magpakasal na haharap sa challenges na hahamon sa tibay ng kanilang pagsasama at pagmamahalan.

Huwag palampasin ang Grand Wedding nina Jimmy at Kring sa Sabado (Nov 15) pagkatapos ng The Voice of the Philippines sa ABS-CBN. Para sa updates, bisitahin ang ido.abs-cbn.com, i-like ang www.facebook.com/ido.ph o sundan ang @IDo_ph sa Twitter.

 

ANG I DO

ANG KOREAN-PINAY

BECAUSE OF KRING

BILANG GRAND COUPLE

GRAND COUPLE

GRAND WEDDING

I DO

KRING

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with