Maegan Aguilar bugbog-sarado sa ka live-in

Seen: Nag-trending kahapon ang guesting ni Jolina Magdangal sa ASAP19. Labindalawang taon na ang nakararaan nang mag-guest si Jolina sa top rating Sunday noontime musical ng ABS-CBN.

Scene: Sa May 9, 2015 ang exact date ng kasal nina John Prats at Isabel Oli.

Seen: Matapos awayin noon ang kanyang ama na si Freddie Aguilar, laman muli si Maegan Aguilar ng mga balita dahil binugbog siya ng kanyang live in partner noong Sabado.

Scene: Ang kaibigan ni Maegan Aguilar na si Maria Silorio ang naglabas ng detalye at mga litrato ng pambubugbog sa anak ni Freddie Aguilar: “My Bestfriend Maegan Comet Aguilar received this nasty beating as a ‘parting gift’ from her live-in partner when she firmly tried to end there relationship today. Ali’s an alcoholic that often reaches a violent black out state & beats up my friend & threatens her life,”

Seen: Ililibing bukas sa Manila Memorial Park si Mrs. Elaine Cuneta, ang 79-year-old mother ni Sharon Cuneta.

Scene: Ang report ng Box Office Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong October 29 hanggang November 2.

Show comments