Napuno ng congratulatory wishes and messages ang Instagram (IG) account ni Georgina Wilson nang mabalitang siya ang host ng Asia’s Next Top Model (ANTM) Season 3. Marami rin ang nag-like ng publicity photos niya para sa ANTM3 na ang make-up ay gawa ni Solenn Heussaff.
Post ni Georgina sa IG: “I’ve been SO excited about this announcement and been keeping it for months now! Extremely honored to be hosting Asia’s Next Top Model!!! Career milestone!!!”
Pinalitan ni Georgina bilang host ang Indonesian model/actress na si Nadya Hutagalung. Hindi lang sinagot ni Georgina ang mga tanong kung kailan at saan gagawin ang ANTM.
Namana ang talent nina Ogie at Regine
Baby Nate gumagawa na ng sariling kanta
Nakasulat na guests sa TBT (Total Balik Tugtugan) concert ni Ogie Alcasid sa November 29, 8:00 pm., sa Solaire Grand Ballroom sina Regine Velasquez, Manilyn Reynes, Janno Gibbs, Dingdong Avanzado, Jojo Alejar, at Roderick Paulate.
Natatandaan namin, sila rin ang sinabing guests sa Throwback Thursday concert ni Ogie sa Music Museum last August 28. Pero sa gabi ng concert, wala sina Roderick at Manilyn. Sana this time, dumating na ang dalawa para kompleto ang grupo.
Nakita pala namin sa IG ang simple pero masayang third birthday celebration ni Nate Alcasid last Friday sa kanyang school. Nag-aaral na si Nate at napakatalinong bata. Napapanood namin ang posted videos niya nina Ogie at Regine at mukhang magiging singer at composer din ito dahil gumagawa ng sariling kanta.
Samantala, sa Nov. 17, ilu-launch na ang talent agency ni Ogie na tinawag niyang ATeam o Alcasid Talent Entertainment Artist Management. Singers at songwriters ang hahawakang talents ni Ogie. Ang tatlong una niyang talents ay sina Q-York, Davey Langit, at Lara Maigue na pare-parehong finalists sa Philpop. Ginagawa na raw ang albums ng tatlo.
Kuwento ng manager ni Ogie na si Leo Dominguez, inoperan siya ni Ogie na mag-join sa ATeam, pero tumanggi siya dahil hindi niya forte ang mag-manage ng singers. Wala ring conflict na he manages Ogie at may mina-manage ito.