MANILA, Philippines - Walang planong bawiin ni Julian Estrada ang nauna niyang sinabi na naging mag-on sila for six months ni Julia Barretto. Ayon kay Julian, nag-sorry naman siya kay Julia at maging sa nanay ng ex-girlfriend niya, si Marjorie Barretto. “Right after the presscon (Relaks… It’s Just Pag-ibig) tinext ko po siya. Sinabi ko sa kanyang nasabi ko. Tinanong niya ako ‘why did you do that.’ Sabi ko I just want to be honest and I don’t want to lie. Na-pressure ako kasi first time kong magkaroon ng presscon. Nag-promise ako na I’ll try my best to fix everything,” kuwento ng anak ni Sen. Jinggoy Estrada ng makausap kahapon ng selected entertainment press.
“Nag-usap din po kami ni Tita Marjorie.”
Nagalit ba siya?
“Hindi naman. Pero sabi niya ‘be careful next time. Just remain friends with Julia,” kuwento ng young actor na isa sa mga bida ng pelikulang Relaks… It’s Just Pag-ibig na pinagbibidahan din nina Iñigo Pascual and Sofia Andres and showing starting Wednesday, November 12, sa maraming sinehan nationwide.
Ano naman ang rason ng kanilang hiwalayan ng young actress na kamakailan lang ay naging controversial dahil sa decision niyang ipabura legally ang apelyido ng kanyang amang si Dennis Padilla?
“We wanted to know ourselves more and work na rin,” sagot ni Julian.
Eh ano naman ang payo sa kanya ng amang si Sen. Jinggoy?
“Marami namang iba riyan,” sabi naman ng senador nang may magtanong sa kanya nang minsang may dumalaw sa kanya sa PNP Custodial Center kung saan siya kasalukuyang nakapiit pa.
Last year pa naman ang naging relasyon nina Julian at Julia pero ngayon lang pinag-usapan nang husto dahil sa pag-amin ni Julian.
Pero ilan na ba ang naging girlfriend niya? Ngingiti-ngiti lang si Julian sabay sabing “puppy love lang naman ‘yun.”
Fourth year pa lang sa OB Montessori si Julian at after ng relasyon nila ng young actress, hindi pa siya uli nagkaka-girlfriend.
Gusto niyang kumuha ng kursong Business Management pagka-graduate niya ng High School.
Dahil hindi makaka-attend ng premiere night ng Relaks… ang kanyang Daddy Jinggoy, pinuntahan ni Julian ang kanyang lolo (Manila Mayor Joseph Estrada) para imbitahan bukas ng gabi.
“Andun naman po ang mommy ko, Lola ko (Dra. Loi Ejercito), and the whole family.”
Eh kumusta namang katrabaho si Iñigo?
“I thought he’s mayabang and arrogant. Pero mabait siya. Naging close kami dahil sa music,” sagot niya. Pareho silang naggigitara at kumakanta. Nagda-drums din si Julian.
Madali rin silang nagkasundo dahil sa workshops bago nila sinimulan ang movie kung saan nag-travel sila from Manila to Tacloban.
Anyway, plano munang makatapos ng studies niya si Julian bago tuluyang mag-full blast sa showbiz. Ito rin kasi ang payo sa kanya ng amang patuloy na inilalaban sa korte ang bintang na plunder.
Bagong pelikula ni Elwood Perez opening film ng 2014 Cinema One Originals
Opening film ang pinakabagong obra ng batikang filmmaker na si Elwood Perez na pinamagatang Esoterika: Maynila sa magbubukas na 2014 Cinema One Originals Festival ngayong araw, November 9, 7:00 p.m. sa Trinoma Cinema 7. Ito ay kanyang ika-51 pelikula mula nang magsimula siya noong 1970’s at ang kanyang pinaka-una matapos siyang parangalan ng Cinema One Originals ng isang tribute noong 2013.
Ito ay tungkol sa isang nagtratrabaho sa restaurant na naging tanyag sa larangan ng panitikan.
Ang cast ay binubuo nina Ronnie Liang, Boots Anson Roa, Vince Tañada, Carlos Celdran, Snooky Serna, Lance Raymuno, Jon Hall, Cecile Guidote Alvarez, at marami pang iba. Ayon kay Direk Elwood, ang Esoterika: Maynila ay base sa kanyang kabataan at personal na mga karanasan.
Samantala, ang pelikulang The Lunchbox mula sa India ay ipalalabas sa ika-5 ng hapon, ngayong Linggo din sa Trinoma Cinema 7, bilang pambungad sa malaking opening night ng C1 Originals Festival.
Ang The Lunchbox ay tungkol sa magandang pagtitinginan ng isang matandang binata at isang babaeng may asawa. Ang kanilang pagkakaibigan ay nabuo dahil sa lunchbox na namali sa pag-deliver. Base ang kuwento sa mga dabawalla (mga lalaking nagdedeliver ng mga lunchbox) ng Mumbai, India.
Ang pelikulang The Lunchbox ay nagkamit na ng 22 awards mula sa international film festivals, kabilang dito ang Critics’ Week Viewer’s Choice Award sa 2013 Cannes International Film Festival.
Sa ika-10 taong anibersaryo nito, ang lineup ng 2014 Cinema One Originals ay binubuo ng 10 full-length competition films, maiikling pelikula, mga obra mula sa Asya, at restored classics. Ang festival ay gaganapin mula November 9-18 sa Trinoma, Glorietta, Fairview Terraces, at Greenhills Dolby Atmos. Para sa schedule ng mga palabas, i-like ang Cinema One Originals at Cinema One Channel Facebook pages, mag-log on sa www.sureseats.com (para sa Ayala cinemas) o tumawag sa tel. nos. 722-4496/ 722-4532/ 722-4501 (para sa Greenhills Dolby Atmos).