^

PSN Showbiz

Anne napansin ng New York Times

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Hindi man masabing matagumpay ang naging unang pagsabak ni Anne Curtis sa Hollywood, at least naka-penetrate na siya sa Hollywood. Kung magtutuluy-tuloy ito, pasasaan ba’t makakakita rin siya ng tamang proyekto para sa kanya. Siguro naman ay hindi napakanipis ng kanyang balat para maapektuhan ng mga puna sa kanya.

Hindi lang naman lahat nega ang nabanggit sa artikulo ng New York Times. Napansin naman si Anne. “Ms. Curtis, a Filipino-Australian actress ma­king her American film debut, suffers nobly, with full lips and heavy eyelashes, parading in leather and oc­casionally acquiring fangs, a veiny complexion and flaring red eyes. She is not without charisma, but this is not her proper vehicle. It would be interesting to see her in a role of more down-to-earth dimensions.”

Karamihan naman dito ay dahil lang sa inggit. May tatalo pa ba sa kanegahan ng nga Pinoy? Dapat nga ay matuto siya sa mga sinasabi nila at hindi panghinaan ng loob.

Sen. Bong nagkakasakit dahil sa init sa kulungan

Talagang hindi maiiwasan na makaramdam ng maraming sakit ni Sen. Bong Revilla sa loob ng kulungan dahil hindi naman talaga siya sanay sa ganu’ng sitwasyon. Maaring sanay siyang naka-aircon sa kanyang bahay at kapag naka-aircon ka, mas maganda ang pakiramdam ng isang tao. Eh sa mainit na lugar hindi ka lang uubuhin, mangangati ka pa. Kaya understandable kung nagkakasakit siya.

Ang dapat nilang ipagdasal ay makalabas na siya ng kulungan at huwag nang magtagal pa sa loob kung hindi kinakailangan. ‘Yun ang dapat gawin ng abogado niya, ang ipaglaban nila ang madaling pagpapasya sa kanyang kaso.

Lani at Jaya napagsawaan na?!

Hindi raw mabenta ang tiket sa concert nina Lani Misalucha at Jaya? Baka naman kulang sa promosyon? Malaking hadlang din ‘yung palaging nakikita si Jaya sa TV kaya hindi na excited ang marami na panoorin siya sa concert, ganundin si Lani. Kailangan sigurong mag-isip sila ng bagong istratehiya. Hindi naman pipitsugin sina Lani at Jaya. Palagay ko hindi rin effective na sa Internet lang ­sila nagpo-promote.

Or baka naman talagang iba na ang gusto ng mga concert viewers ngayon.

ANNE CURTIS

BONG REVILLA

JAYA

LANI

LANI MISALUCHA

MS. CURTIS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with