Mas gustong panoorin lang Jericho ayaw makatrabaho ang Kathniel

Excited na raw si Jericho Rosales para sa remake ng teleseryeng Panga­ko Sa ‘yo na pinagbidahan nila ni Kristine Hermosa mahigit isang dekada na ang nakararaan. Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang napababalitang gaganap sa mga karakter nina Yna at Angelo sa bagong proyekto. “I’m excited. Excited ako for everybody. I’m sure that alam ng ABS-CBN na siguro gusto talaga ng fans na may remake. Especially since ang dami rin talagang fans nina Daniel at Kathryn. So parang perfect combination, parang gano’n. Excited ako to watch it,” nakangiting bungad ni Jericho. “Kung tatanungin n’yo ako, they deserve to be Angelo and Yna kasi ang lakas-lakas ng love team nila. And Pangako Sa ‘yo ang foundation is love story,” dagdag ng aktor.

Sumikat din noon ang mga karakter nina Madame Claudia, Amor Powers, at Governor Eduardo Buenavista dahil sa nasabing soap opera. Mayroong ilang suhestiyon si Jericho kung sino ang nababagay na gumanap ngayon. “’Yung time na ‘yon, ‘yon ang pinagkakaguluhan ng mga tao. A few weeks ago nakita ko si Mylene Dizon sa set namin and magkasama kami and I said, ‘Bagay sa ‘yo’ yung maging Amor Powers.’ Siguro si Carmina (Villarroel) as Madame Claudia. Hindi ko pa alam kung sino ‘yung lalaki, si Eduardo, hindi ko masasabi kung sino. But it would be nice siguro kung hindi nila masyadong ipi-peg sa original cast and I’m sure ginagawa na nila ‘yan. Iba na tayo ngayon eh, kailangan timely,” paliwanag ni Jericho.

Inalok daw ang aktor upang maging bahagi rin ng remake ng serye pero minabuting tanggihan na lamang daw niya ito. “I had to say no because ang decision ko talaga is gusto ko lang manood. Gusto kong manood ng show na hindi ako involved,” giit niya.

Hindi totoong nangungupahan at di nakakabayad Ejay nakabili na ng sariling bahay

Nilinaw ni Ejay Falcon ang napabalitang pinalalayas na siya diumano sa condominium unit na kanyang inuupahan sa Quezon City. “Unang-una po, hindi ako nakatira sa condo. ‘Yung dating tinitirahan ko sa Project 8, hindi naman ‘yon condo. 12,000 ang renta ko do’n at kayang-kaya ko naman pong bayaran ‘yon kasi may trabaho naman ako,” paliwanag ni Ejay.

Ilang buwan na raw siyang sa Rizal umuuwi at nakapagpundar na rin ng sariling bahay. “Six months na akong wala sa apartment. Do’n na ako sa Taytay umuuwi. Hindi pa kumpleto ‘yung gamit ko do’n pero okay na rin. Ang mahalaga bahay ko na mismo ‘yung inuuwian ko,” giit ng aktor.

Inamin din ni Ejay na hinuhulugan pa niya ang 4-bedroom house na kanyang nabili sa village kung saan nakatira rin ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga.

 Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments