Actress pumirma ng pre nuptial agreement bago ikinasal sa napangasawa

MANILA, Philippines - May pre nuptial agreement pala ang isang actress na kakakasal lang sa kanyang non showbiz boyfriend.

Yup, ayon sa isang source, may pirmahan daw ng kasunduan na anumang mamanahin ni mister sa kanyang mayamang mga magulang ay hindi nila pag-aaring mag-asawa.

Marami raw kasing mga lupain ang mga magulang ni Mister kaya naniniguro ang mga ito.

Hindi nga naman masyadong rich ang image ng misis na actress kaya siguro natatakot ang kampo ni Mister na magkaroon ng hatian in case (knock on wood) na maghiwalay na sila.

May trabaho naman ang misis na actress na ito pero hindi kabonggahan ang career sa kasalukuyan.

Marami na nga namang kaso ng mag-asawang naghihiwalay na walang pre-nup kaya nagkakagulo sa hatian ng ari-arian.

Sarah mahal na mahal ng pamilya ni Matteo

Proud na proud si Matteo Gui­dicelli sa relasyon nila ni Sarah Geronimo.

Kahapon sa programa ni Kris Aquino ay nag-guest si Matteo at siyempre hindi pinalampas ni Kris ang chance para uriratin ang aktor na isa sa mga bida ng nakakaaliw na pelikulang Moron 5.2 The Transformation na kasalukuyang palabas sa mga sinehan.

“She’s cool, she’s getting to be, she’s growing up kumbaga,” pagkukuwento ni Matteo na bihirang-bihirang mag-open tungkol sa kanila ng girlfriend.  “Dinner, dinner lang. Hopefully, she promised me the next Iron Man she’s going to be there next year, hopefully she will to support, August yata,” kuwento niya kay Kris kung anong ginagawa ­nilang tuwing magkasama.

Maski raw ang pamilya niya ay mahal na mahal na ang singer-actress na sinimulan niyang ligawan nang makasama niya sa concert sa Amerika.

Sinabi pa niyang matagal na niyang gusto si Sarah pero hindi natuloy hanggang magtagpo uli ang kanilang landas.

“I knew na 5 or 6 years ago pa, I liked her already. Tapos yun, things happened for a reason and our paths crossed again. Tuloy, tuloy na,” sagot ng aktor.

“I bumped into her. She’s very simple parang she won’t even look parang ah ganoon ha, very shy. Hindi ako na-cha-challenge but I’ve always found her beautiful and charming,” dagdag niya.

Malinis daw ang intention niya sa dalaga nina Mommy Divine at Daddy Delfin ni Sarah kaya hindi siya natatakot.

Show comments