Hindi kataka-takang pasukin na rin ni Bryan Poe Llamanzares ang showbiz, isang mundo na hindi iba sa kanya dahil ito ang kanyang kinalakihan bilang apo ng movie king na si Fernando Poe, Jr. at movie queen na si Susan Roces at anak ni Sen. Grace Poe-Llamanzares.
Kahit baguhan pa lamang si Bryan sa showbiz, more or less ay alam na niya ang kalakaran dito. Hindi rin ikinakaila ng binata ang tungkol sa kanila ng PBB winner at cosplayer na si Myrtyle Sarrosa. Marami umano silang common interest at kasama na rito ang pagkahilig nila pareho sa anime.
Relasyon nina KC at Paulo magulo
Hanggang ngayon ay puzzled pa rin ang publiko pagdating sa tunay na relasyon nina KC Concepcion at Paulo Avelino na parehong aminado na magkaibigan lamang umano sila.
Kung anuman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi maamin nina KC at Paulo ang tunay na istado ng kanilang relasyon, pasasaan ba’t lalabas din naman ang katotohanan.