^

PSN Showbiz

Mga kuko nanlilimahid, sipon kung saan-saan ipinapahid! Kadugyutan ng hunk actor pinandidirihan na ng mga katrabaho!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Si Poncing. Hindi naman Ponciano ang tunay na pangalan ng hunk actor, pero Poncing ang bansag sa kanya ng marami niyang katrabaho, may matinding dahilan ‘yun kung bakit.

Palaging naba-blind item ang hunk actor dahil sa kapabayaan niya sa personal hygiene. Marumi siya sa katawan. Artista siya, para siyang isdang nakakulong sa aquarium na tinititigan sa mga pampublikong lugar, pero wala siyang pakialam.

Palaging marurumi ang kanyang mga kuko, para siyang magsasakang umahon sa inaararong bukid na nakalimot maghugas ng mga kamay, sipunin din siya.

Nagtataka-nagtatanong ang mga reporters kung bakit mahal na mahal ng kanyang sipon ang hunk actor. Parang karelasyon niya ang sipon na ayaw makipag-break sa kanya. Singhot siya nang singhot, nagpupunas siya ng sipon na kamay lang niya ang ginagamit, naloloka sa kanya ang mga nakakakita.

Nu’ng minsang kunan ang isang sexy scene niya sa isang pelikula ay naloka ang kaeksena niyang aktres. Ang hahaba ng mga kuko niya sa paa, parang ilang buwan nang hindi nagugupitan, kinailangan pa muna niyang maggupit ng kuko bago kinunan ang eksenang naka-trunks lang siya.

Ang tanong ng marami ay kung wala ba siyang kasama man lang sa bahay para mag-alaga sa kanya? Namumuhay kuno ng sarili ang hunk actor kaya ganu’n.

“Nu’ng minsan nga, kukunan na ang eksenang kasama siya, e, singhot pa rin siya nang singhot. Nagpunta siya sa isang gilid, suminga siya du’n nang bonggang-bongga, dinig na dinig ng lahat ng nasa location.

“Ang inabangan ng lahat, e, kung paano niya pupunasan ang right hand niya na ipinanghawak niya sa ilong niya. Naloka ang mga miron, lukang-luka sa ginawa niya!

“Wala siyang panyo, ipinunas lang niya ang kamay niya sa pantalon. Ganu’n lang, parang wala lang, balik na uli siya sa eksena. Nakakaloka ang hunk actor na ‘yun!” kuwento pa ng aming impormante.

Napakadaling hulaan kung sino ang hunk actor na ito. Ang kanyang apelyido ay hango sa pangalan ng isang bayan sa isang probinsiyang pinamumunuan ng isang sikat at magaling na aktres.

Ubos!

Paalam at isang mapayapang paglalakbay Mommy Elaine…

Ulilang-lubos na ngayon si Sharon Cuneta. Namayapa na ang kanyang ina na numero uno niyang kritiko pero pinakauna ring pumapalakpak sa kanyang mga tagumpay.

Matinding suporta ang ibinigay nina yumaong Mayor Pablo Cuneta at Mommy Elaine sa kanilang bunso. Sa mga concert ni Sharon ay walang puwedeng maupo sa unang hilera, ang mag-asawa ang nandu’n, sa kanila humuhugot ng inspirasyon ang Megastar sa kanyang pagpe-perform.

Matagal ding nagkasakit si Mommy Elaine, kapag kinukumusta namin si Sharon tungkol sa kanyang ina ay agad nang mangingilid ang kanyang luha, “Sabi ko nga, kahit hindi na niya ako nasasagot sa mga tanong ko, e, okey lang, basta nandito pa rin siya.”

Sobrang dikit sa kanyang mga magulang si Sharon, napakalambing niyang anak, sa mga pagkakataong may trabaho siya ay ipinadadala niya sa bahay ni Mommy Elaine ang kanilang mga anak ni Senador Kiko dahil kaligayahan na nitong mapaligiran ng kanyang mga apo.

Laking-lola si KC, ito ang pinakaapektado sa pagkawala ni Mommy Elaine sumunod sa kanyang ina, siguradong humuhugot ng lakas sa isa’t isa sina Sharon at KC ngayon.

Mula po sa aming lahat dito sa PSN, ang mula sa pusong pakikidalamhati namin sa mga iniwan ni Mommy Elaine, isang mapayapang paglalakbay po.

ISANG

KANYANG

LANG

MAYOR PABLO CUNETA

MOMMY ELAINE

NIYA

PALAGING

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with