Direk Joyce natigalgal nang makatrabaho si Vic
Hindi man natuloy si Direk Joyce Bernal sa pagdidirek ng My Little Bossings last year, natuloy naman siya sa pagdidirek ng Prinsesa episode ng trilogy movie na My Big Bossing, ang 2014 MMFF entry nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.
Hindi ikinakaila ni Direk Joyce na na-intimidate umano siya kay Bossing (Vic) pero nang magsimula na silang mag-shoot, na-starstruck na siya sa nobyo ni Pauleen Luna.
Ang My Big Bossing ay second movie ni Direk Joyce this year. Nauna na rito ang hit movie na Da Possessed, ang first movie ni Vhong Navarro matapos itong ma-involve sa matinding kontrobersiya na may kinalaman sa pambubugbog sa kanya ng kampo ng negosyanteng si Cedric Lee. Nakadalawang teleserye din siya sa taong ito, ang Paraiso Ko’y Ikaw na tinampukan ng mga Kapuso stars na sina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez at ang My Destiny nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Rhian Ramos, at Lorna Tolentino na kamakailan lamang nagtapos.
Nakatakda siyang makipag-meeting with GMA para sa kanyang susunod na teleserye at may tatlo siyang movie na nakatakdang gawin next year – one with Marvin Agustin, isa kay Robin Padilla, at isa para sa Star Cinema.
Sa Spring Films ay isa si Direk Joyce sa mga producer along with Piolo Pascual. Sila ang producer ng launching indie movie ni Iñigo Pascual na Relaks, It’s Just Pag-ibig na tinatampukan din nina Sofia Andres, Julian Estrada, at Ericka Villongco mula sa direksiyon nina Antoinette Jadaone at Irene Villamor.
Puntod ng dating nagkahiwalay na mag-asawa na sina Helen at Orly, pinagtabi na
Sa tuwing dumadalaw kami sa puntod ng aking yumaong ama na si Bonifacio Amoyo sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque ay hindi puwedeng hindi rin namin dalawin ang puntod ng yumaong sikat na radio and TV personality na si Helen Vela at estranged husband nitong si Orly Punzalan dahil ilang metro lamang ang layo nila sa libingan ng aking ama.
I lost my father in October 27, 1990. Two years later, February 14, 1992 ay ang ina naman ng aktres na si Princess Punzalan ang sumakabilang buhay at taong 2005 naman ang kanyang amang si Orly Punzalan.
Noong sila’y nabubuhay pa, matagal nang hiwalay sina Helen at Orly pero nanatili silang magkaibigan. Nang sumakabilang-buhay si Orly, nagdesisyon ang dalawa nilang naiwang mga anak na sina Princess at Pastor Paolo na sila’y pagtabihin ng libingan.
Samantala, naging mahigpit ang seguridad sa Manila Memorial Park nung November 2 dahil dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang na sina dating Sen. Ninoy Aquino at dating Presidente Cory Aquino si Pangulong Noynoy Aquino.
- Latest