Pelikula ni Nora hindi umabot sa anibersaryo ng Yolanda

SEEN: Nakararamdam na ng lungkot si Miss World 2013 Megan Young dahil sa nalalapit na pagsasalin niya ng kanyang korona sa bagong winner sa coronation night ng Miss World 2014 sa December 14 sa ExCel, London.

SCENE: Tumanggi si House Representative Toby Tiangco na sabihin ang “walang kuwentang reporter” nang hilingin sa kanya na ipakilala si Jun Sabayton sa guesting niya kahapon sa Good Morning Club ng TV5. Clueless si Tiangco na “showbiz title” ni Jun ang pinakawalang kuwentang showbiz reporter ng bansa.

SEEN: Hindi umabot sa unang anibersaryo ng paggunita sa pananalanta ng Typhoon Yolanda sa Samar at Leyte noong November 8, 2013 ang pelikula na pinagbibidahan ni Nora Aunor at mula sa direksyon ni Brillante Mendoza. Si Senator Loren Legarda ang producer ng pelikula.

SCENE: Ang character actress at TV host na si Angel Jacob ang constant date ni TV5 host Manu Sandejas, ang ex-husband ni Agot Isidro.

SEEN: Maligayang-maligaya ang direktor na si Wenn Deramas dahil sa mga papuri na natatanggap niya para sa Moron 5.2 The Transformation. Pinakamahalaga kay Wenn ang papuri na narinig niya mula sa kanyang anak na nagsabi na magaling siya na direktor.

SCENE: “Unofficial publicist” si Aljur Abrenica ni Vin Abrenica dahil tumulong siya sa social media promo ng bagong show ng kanyang kapatid sa TV5.

SEEN: Ikinatuwa ng fans ni Marian Rivera ang sinabi nito na magpa­patuloy ang kanyang dance show sa GMA 7 hanggang hindi siya nabubuntis.

SCENE: Haggard-looking si Tom Rodriguez sa ilang mga eksena niya sa Beauty in a Bottle dahil naglagare siya noon sa shooting ng pelikula at tapings ng My Destiny at Don’t Lose The Money.

Show comments