^

PSN Showbiz

Kris nag-iipon na para sa kampanya

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Akala ko ba wala sa plano ni Kris Aquino ang pulitika? Kaya nga siya pumapasok sa negosyo, ‘di ba? ‘Yun pala, mag-iipon lamang siya para sa gagawin niyang kampanya pagkalipas ng 2016 elections. Kung sabagay, sa ginawang pag-aanunsyo ni P-Noy hindi na siya tatakbong muli, wala nang Aquino na magpapatuloy ng kanilang tra­disyon sa pulitika. Mukha namang wala nang interesado sa mga kapatid niya. Maliban sa kamag-anak sa Senado na si Bam, sino pa ang posibleng sumunod pa sa kanya?

Bawal na ang pangit na artista!

Para namang napaka-big deal ng ginagawang pagpaparetoke ng mga artista ngayon. Mga artista sila at obligasyon nilang palaging maging maganda sa paningin ng publiko. May pera naman sila, so bakit kailangang makuntento sila sa pagiging ordinary?

Puhunan ng mga artista ang maging mas maganda sa ordinaryo. Napakahigpit ng kumpetisyon ngayon. Kung ayaw nilang mapag-iwanan, kaila­ngang makipagsabayan sila. Iba na ‘yung may ta­lent, pero makakalamang ‘yung maganda na may talent pa.

Ryzza Mae ang haba ng hair, papalit-palit agad ng ‘boyfriend’

At her age, nakakatatlong boyfriend na si Ry­zza Mae Dizon. Madali itong naka-move on kay Bimby Yap dahil nagkaro’n siya ng kapartner sa Vampire ang Daddy Ko na si Jacob Briz. Sa My Big Bossing, iba rin ang kapareha niya, ang anak ni Niño Muhlach na si Alonzo Muhlach. O sabihin n’yo sa akin na hindi siya ligawin. Pero ang pinakaaabangan ng lahat ay kung kaya ba niyang pataubin sa takilya ang mga kalaban nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF)?

 

ALONZO MUHLACH

BIMBY YAP

DADDY KO

JACOB BRIZ

KRIS AQUINO

MAE DIZON

METRO MANILA FILM FESTIVAL

RYZZA MAE

SA MY BIG BOSSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with