KC hindi pini-pressure ang sarili kay Paulo

Hindi pa raw magkarelasyon sina KC Concepcion at Paulo Avelino pero matalik silang magkaibigan. “Well like I said before na hindi pa rin namin napag-uusapan. He also knows na marami pa siyang kailangang gawin and same with me. So we are not pressuring each other right now,” bungad ni KC.

Maganda raw ang pakikitungo nina KC at Paulo sa isa’t isa ngunit hindi nangangahulugang  nag-iibigan na sila. “I won’t answer it now. It might be premature. Honest ito ha, mahirap kasi na ituluy-tuloy knowing na napakaganda ng kung ano ang meron kami ngayon. No guarantees in the future so ayoko munang magsalita habang premature pa. Parang chill muna,” giit ng aktres.

Samantala, kamakailan ay nabanggit ni Paulo sa isang pahayag na gusto niyang makasama si KC sa isang proyekto. Wala rin naman daw problema sa aktres kung sakaling mangyayari ito. “It would be nice kasi nag-bloom ‘yung friendship namin without work talaga. So it would be interesting to see kung paano ‘yung dynamics namin. Kasi iba din ‘yung kapag friends kayo at kilala n’yo na ang isa’t isa. Tapos magka-work kayo siguro tatawa lang kayo nang tatawa,” nakangiting pahayag ni KC.    

Jolina umaming na-in love noon kay Marvin

Certified Kapamilya na muli si Jolina Magdangal dahil mapapanood siya sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN. Muling magkakatambal ng aktres si Marvin Agustin na isa ring nagbabalik-Kapamilya. Kasama ang dalawa sa Flordeliza na malapit nang mapanood sa Primetime Bida. Mahigit isang dekada na ang lumipas mula nang magkatambal sina Marvin at Jolina sa maraming proyekto bago pa lumipat sa kabilang istasyon.

Samantala, nilinaw ng aktres na wala raw talagang namagitan sa kanila ni Marvin pero nagkagusto siya sa aktor. “Siguro baka hindi pa ‘yun ang panahon. Baka lang talaga bata pa kami noon. Tapos noong bata pa kami ang career ay career. Kumbaga love team kayo, love team ‘yan. Pero kasi hindi mo maiiwasan na magkagustuhan kaya siguro nagkagusto ako sa kanya rati. Ewan ko lang sa kanya kung nagkagusto siya sa akin dati,” natatawang pahayag ni Jolina.

Masayang-masaya ang aktres dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapamilya network sa kanyang pagbabalik. “Na-overwhelm ako sa lahat ng nangyayari. Parang ang bilis ng pangyayari and ‘yung pangyayaring ‘yun hindi siya ‘yung parang isang desisyon lang. Major decision ito and sa tulong ng mga tao, naramdaman ko ‘yung pagmamahal talaga sa akin ay totoo kaya sobrang sarap ng feeling,” pagbabahagi ni Jolina. “Sa totoo lang ‘yung thought pa lang na babalik ako eh sobrang saya ko na eh. Pero ‘yung binigay sa akin more pa eh ng ABS. Binigyan nila ako agad ng project tapos napakagandang project and because of this I will be forever thankful and grateful sa ABS,” dagdag pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

 

Show comments