Jason pinaghahandaan na ang pag-aasawa

Hindi pa namin nakukuha ang reaction ng Two Wives lead actor na si Jason Abalos na may kina­la­man sa engagement ng kanyang ex-GF na si Je­wel Mische sa American fiancé nitong si Alister.

Pero tiyak na masaya ito para sa kanyang da­ting kasintahan na si Jewel in the same manner na ma­saya rin siya sa takbo ng kanyang personal love life ngayon sa PBB (Pinoy Big Brother) All In 4th winner na si Vickie Rushton.

Speaking of Jason, ayaw nitong magpa-pre­ssure sa sunud-sunod na marriage proposals ng iba’t ibang per­sonalidad. Naniniwala si Jason na mangyayari ito sa tamang panahon. For now, gusto muna niyang mag-focus sa kanyang trabaho at makapag-ipon para sa kinabukasan ng kanyang magiging pamilya balang araw.

Pilita nababaitan kay Elmo

Wish ng Kapuso star na si Janine Gutierrez na mag-last ang relasyon nila ng kanyang More Than Words co-star na si El­mo Magalona.

Aware si Janine sa mga relasyong nagbi-break tulad ng nangyari sa kanyang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

Tanggap din daw ng kanyang parents ang re­lasyon nila ni Elmo at ma­\ging ng kanyang Ma­mita (grandmother), ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales dahil nababaitan sila sa binata ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona. Maging si Janine ay tang­gap at close sa pamilya ni Elmo.

Show comments