Parang mga baboy na kinakatay... Dalawang Ingliserang aktres pareho ang habit sa kama

Ano bang mundo lang ng showbiz ang mahilig sa mga tsismis? Negosyo ang tsismis sa showbiz, pero sa balwarte ng mga pulitiko at sports, ang tsismis ay talagang tsismis lang.

Sa mundo ng palakasan ay bumibida ang dalawang female personalities sa mga kuwentuhang dapat ay pribado lang pero kumalat na nang kumalat at nagpalipat-lipat na sa maraming tenga at bibig.

Ayon sa kuwento ay masyado raw kasing maingay sa pakikipagtalik ang dalawang babaeng personalidad. Napatunayan daw ‘yun ng mga nagpipista sa istorya nang magkaroon ng magkahiwalay na laro sa malayong probinsiya ang mga karelasyong basketball players ng dalawang babaeng personalidad.

Tatawagin nating Actress A at Actress B ang mga bida sa kuwento, malagihay lang ang popularidad na naabot ni Actress A, pero si Actress B ay sumikat talaga.

Kuwento ng source, “Napakaganda naman kasi talaga ni Actress A nu’ng kabataan niya. Tisay na tisay, makinis, super-ganda, saka malakas ang appeal niya.

“Nu’ng mag-boyfriend pa lang sila ni ____(pangalan ng basketball player), e, isinasama-sama siya sa mga out-of-town games ng team nila. Natural, magkakalapit lang ang hotel rooms ng mga players, di ba?

“Ayun, palaging pinagpipistahan ang kaingayan niya habang bumibiyahe sila sa langit ng boyfriend niya. Ang lakas-lakas daw kasi ng boses ng girl, parang kinakatay siya habang nagme-make love sila ng basketball player niyang BF!” natatawang kuwento ng impormante.

Ganu’n din si Actress B, isinasama rin siya ng boyfriend niyang basketball player sa mga larong-probinsiya, kainitan pa nu’n ng kanilang pagmamahalan kaya para silang nagkukuryentehan kapag nagkakatabi sila sa kama.

Kuwento uli ng source, “Ay, mas maingay si Actress B! Wild siya sa bed, super-ingay siya. Kahit pa siguro siya takpan ng unan ng boyfriend niya, e, talagang magsisisigaw pa rin siya!

“At pareho silang Inglisera ni Actress A, kung gaano siya kaingay off cam, ganu’n din siya kaingay sa kama!” tawa nang tawang kuwento ng impormante.

Ang masaklap na bahagi ng kuwento ay tapos na ang kanilang relasyon, pareho silang nagkaanak sa mga nakarelasyon nilang basketbolista, pero game over na sila.

Ubos!

Carla negang-nega na ang dating sa pang-aaway kay Geoff at patuloy na pag-deny kay Tom

May tono ng katotohanan ang obserbasyon ng mas nakararami kay Carla Abellana. Tama na ang mga kaartehan at pagdedenay, tantanan na ang mga kadramahang hindi pa sila magkarelasyon, obyus namang sila na ni Tom Rodriguez.

Pero hindi pa puwedeng sabihing maligaya na siya sa piling ng kanyang bagong boyfriend, hanggang ngayon kasi ay panay-panay pa rin ang pagpaparinig sa social media ng dalaga sa kanyang ex na si Geoff Eigenmann, hintayin nating maging indifferent na siya para maniwala tayong naka-move on na nga si Carla.

Hanggang may bitbit pa rin siyang galit kay Geoff ay walang pupuntahan ang kanilang relasyon ni Tom, kailangan munang mawala ang sama ng loob ng nakaraan para maging maganda ang daloy ng pagmamahalan nila ng aktor, pero sa takbo ng mga pangyayari ngayon ay nabubuhay pa rin si Carla sa kahapon.

Nega tuloy ang nagiging dating niya sa publiko, marami na ngang namamalditahan sa kanya ay umaariba pa ang paninira niya kay Geoff, ano’ng mangyayari sa relasyon nila ni Tom?

Pikon pa naman ang kanyang boyfriend, hindi marunong humawak ng emosyon, baka sa kagaganyan ni Carla ay siya pa ang magtulak kay Tom na hamunin ng away ang kanyang ex.

Matindi ba ang panghihinayang ni Carla Abellana sa pagkawala ni Geoff sa kanyang buhay? Wala ba siyang nakikitang mga katangian nito kay Tom?

Saka bakit kasi idinadaan pa niya sa social media ang kanyang galit kay Geoff, samantalang puwede naman silang mag-usap nang sarilinan kung kailangan, ‘di ba naman maituturing na paninira ang ginagawa niyang pagpapatambis sa lalaking nagmahal sa kanya at minahal din naman niya?

Show comments