Dahil sa patung-patong na suwerte, Karla minalas lang sa The Voice

Sa halip na papurihan natin ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa ginawa nitong pagsali sa blind auditions ng The Voice of the Philippines, nilalait pa natin siya, dahil lang hindi ito nakapasa.

Wala namang nakakahiya sa ginawa ng ina ng hari ng kabataan ng artistang lalaki sa ABS-CBN. Kumakanta naman talaga siya at ito namang pag­sali sa mga pakontes kadalasan ay nanga­nga­ila­ngan hindi lamang ng talent kundi ng suwerte rin. At kung marami siyang suwerte na tinatanggap nga­yon baka sobra na kung napili pa siyang contes­tant.

P-Noy consistent sa pagtanggi sa pagni-ninong

Kung si Kris Aquino ay payag magninang sa kasal gayung mas bata siya kay PNoy, ayaw na­man pala ng pangulo na magninong sa takot na ‘di makapag-asawa. Siguro maiintindihan na rin natin kung bakit sa rami ng kumukuha sa pangulo ng ban­sa para magninong sa kasal ay palagi itong humihindi.

At least consistent sa pagtanggi niya si P-Noy. At nangangarap din pala siyang makapag-asawa. Ba­ka kapag hindi na siya president, saka niya maisipang magpakasal.

Sen. Bong hinahanap sa MMFF

Marami ang nakaka-miss kay Sen. Bong Revilla dahil dati-rati, front runner ito sa MMFF. Hindi man ito makagawa ng movie regularly, pagdating ng Pasko ay talagang nangunguna ito. Pero let us not lose hope, dahil siguradong kapag nakalabas siya ng detention center, makakaasa tayong muli itong gagawa ng magagandang pelikula.

Show comments